Matapos siguro ang mahigit kumulang na dalawang araw ay sa wakas nasa maynila na kami ni Autry. Gaano ba kalayo ang pinagdalhan sa akin at inabot kami ng dalawang araw?
"So okay na ba sayo itong Condo?" Napatingin ako kay Autry na nakaupo sa isang sofa sa sala. Malaki naman yung condo nya may sala at may kusina na may counter at may dalawang rooms kaya komportable na manirahan
"oo naman"
"I bought this when I'm 20. Sariling pera ko kasi I'm awesome nga" dagdag nya pa. Gusto ko sanang matawa kasi kanina pa nya bukambibig na awesome sya
"Salamat talaga. Hindi ko alam kung paano ka pa pasasalamatan sa sobrang dami ng ginawa mo" Hinawakan ko yung kamay nya. Kahit na hindi maganda ang pagkikita namin nung una ay naging friends pa ata kami sa huli
"Jusko ang corny mo ata Noelle. Sabagay corny ka talaga simula pa lang" Tumawa pa sya at hinawakan ang kamay ko pero binitawan nya din dahil pasmado daw sya.
"Oo nga pala. Babalik ako dun sa rest house para hindi magtaka yung mga yon tapos next week babalik ako. May mga stock din ako dyan kung gutom ka" Aniya bago ako hilahin papunta sa kusina
"Marunong ka bang magluto?" aniya
"Medyo. Konti lang" hindi sigurado kong sagot. Nasanay kasi ako noon na may tagaluto ako kaya hindi na ako nag-abala pang matuto at wala ring magtuturo dahil busy ang parents namin ni Phillip
"Eh paano ka kakain?"
"Magluluto malamang" sabi ko na parang ang tanong nya ang may pinaka obvious na sagot
"Ano lulutuin mo? Itlog? Hotdog? Processed foods?"
"Oo. Kesa naman umuwi pa ako" sabi ko pa
"Jusmiyo. So dito ka lang talaga at hindi ka man lang uuwi?" aniya
Napaisip ako. Matagal ko na palang hindi nakikita si Phillip kaya baka puntahan ko sya
"Hindi muna. Siguro bibisita ako kay Phillip" umupo ako sa isang upuan atsaka nilaro ang tissue sa ibabaw non
"Phillip who?"
"Kuya ko" sabi ko sa kanya
"Gwapo ba?"
Binato ko sya ng tissue na hawak ko dahil sa tanong nya bago sumagot
"Syempre kapatid ko"
"Edi panget ganon?"
"Grabe ka naman" tinawanan ko na lang sya kahit na alam kong alanganin pa ang tawa ko
Nang kinagabihan ay tapos na akong kumain habang sya ay hindi
"Hindi mo ba talaga ako kukwentuhan about dun sa ano? Dun sa ano." nagulat ako dahil naalala nya pang hindi pa nya nalalaman ang buong kwento. Dapat nya bang malaman?
Hindi ko sya sinagot nung nasa kusina kami at ngayong nasa kwarto na kami ay hindi na ako nakaiwas.
Kinulit nya ako ng kinulit kaya wala akong nagawa kungdi ang magkwento mula sa simula hanggang sa pag-uusap nila Darrhius at Eve
At first galit na galit sya na parang sya pa yung naagrabyado pero ngayon kalmado na sya
"OA ko ba? Oh sorry for that. Alam mo naman si Darrhius kalahating gago. You know, you should forget him Noelle. He's nothing but a fuckng dickhead with a low libido " napaiyak ako sa sinabi nya. How could I forget him kung mahal ko na!
Napailing muna ako bago sumagot
"Mahal ko eh"
"Noelle naman! You don't love him okay? Attracted ka lang at yan ang itatak mo sa utak mo" aniya pero inilingan ko lang ulit. Mukha na nga akong tanga tapos lolokohin ko pa ang sarili ko kung sasabihin ko na hindi ko sya mahal
"Hindi Autry alam ko ang difference non at kahit masakit aminin, nahulog na ako sa kanya habang sya hindi. Sya na nasa tuktok parin at walang balak na magmadali at saluhin ako" sabi ko at di ko namalayan na umiiyak na pala ako
Inalo nya ako hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako
Kinabukasan ay nagising ako na nasa sofa ako at wala ng Autry sa paligid. Nakatulog pala ako sa sofa pero di man lang ako ginising ni Autry
"Sa wakas gising ka na"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Autry na nakaupo sa dulo ng sofa.
"Ba't di mo man lang ako ginising" tanong ko agad sa kanya pero napatigil ako dahil palakad lakad sya sa harap ko.
“We have a very big problem”
“Diretsuhin mo na” sabi ko
"Tumawag si Darrhius"
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?