Chapter 21

3.4K 57 4
                                    

Tulala akong naglakad sa gitna ng kagubatan. Inaalala ko yung nangyari kanina at masakit na marinig iyon. Masakit talaga yung tipong mas masakit pa sa pagkawala ng v-card ko. How can he do that to me? May ginawa ba akong masama? Wala naman diba?

Tuloy parin ang pag-iyak ko ng maramdaman kong may bumangga sa akin

"Noelle?"

 

Tinignan ko yung bumangga sa akin at nakumpirma kong si Autry iyon

"A-autry" nahihikbi kong sabi tsaka ko sya niyakap at humagulgol "Ang sakit autry, bakit nya ginawa yon?"

"Ha? Ano ba sinasabi mo?" hinagod nya ang likod ko at inamo kahit na hindi nya alam ang tunay na nangyari

"Pawis na pawis ka tapos umiiyak pa? San ka ba galing? Tara na iuuwi na kita" aniya pero pinigilan ko

"Wag! P-please ilayo mo ako dito Autry. Please lang ilayo mo ako sa pinsan mo" Pinunasan ko na yung luha ko at inabutan nya ako ng panyo galing sa bag nya

"Ano ba kasi ang nangyari Noelle? Di naman kita magets eh"

"Hindi ko pa kayang ikwento" Iyak ko pa din. Di ko maisip kung bakit ako pa. Wala naman akong ginawa sa kanya diba?

"Osya sige punta tayo sa bayan. Naiiyak ako sayo eh" hinila nya ang kamay ko papalabas ng kagubatan at eto kami nakatambay lang sa isang bench

 

"Malapit ng mag-gabi Noelle wala ka pang balak umuwi?" napatingin ako kay Autry na busy sa pagkain sa hawak nyang Ice cream. Hapon na at nandito parin kami sa bayan at nakaupo

"Di na ako uuwi sa bahay ng pinsan mo. It's not my home"

"Sabagay tama ka. Alam mo kahit di ko alam ang nangyari, sayo ako kakampi" Aniya na ikinalundag ng puso ko pero di umabot ang kasiyahan sa labi ko

"A-autry" tawag ko sa kanya bago punasan ang luha na kumawala sa mata ko "Gusto ko ng umuwi ng Manila" napayuko ako ng naramdaman ko na tuloy tuloy nanaman ang luha ko, hindi ba mauubos to!

"Kanina pa tayo nandito at hindi ka pa nagkukwento tapos ngayon gusto mo ng umuwi sa Manila? Paano ang damit mo? Hindi ko maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag kung bakit" aniya sa tono ng galit pero kita ko na naawa sya sakin. Ayaw ko ng awa dahil pakiramdam ko mas malulungkot ako

Hindi pa rin ako nagsasalita at alam kong pansin nya yon kaya't palihis lihis ang usapan namin.

Hindi ko pa kasi kayang buksan ang topic na yon

"Tara na, malapit ng mag 7 o'clock. Paparating na siguro ang huling bangka papunta sa kabilang bayan. Buti na lang may dala akong pera at makakasakay tayo ng barko pauwi ng Manila" Aniya, I'm so happy na friends kami ni Autry dahil alam nya kung kelan sya magtatanong at mangingielam sa mga sitwasyon

"Pauwi? Bakit? Taga maynila ka din?" tinanong ko sya

"Oo. You know resthouse lang namin yung tinitirhan nung lalaking yon. Palibahasa spoiled yon at mama's boy" tumawa sya pero ngiti lang ang binigay ko "Sa kanya na kasi ipinangalan ang Isla na to simula ng mag 25 sya and now he is handling their power plantation here" kwento nya. So kay Darrhius pala ang Isla na to kaya pala pwede sya sa loob ng forest. Madami pa akong nalaman tungkol kay Darrhius pero pinatigil ko na sa Autry dahil ayaw ko na syang makilala ng lubos ngayon pang lalayo na ako

"Oh ayan na ang bangka Noelle. Tara na?" Inaya na nya ako at sumakay na kami ng bangka

"Diretso uwi ka ba sa inyo o wag muna?" tanong nya

"Siguro di na muna ako uuwi sa amin" sabi ko habang tinitignan ko ang tubig na dinadaanan namin. Ngayon ko lang nakita na malinaw sya. Nung nasa Yate pa kasi ako nasa loob lang ako ng cabin kaya di ko napagtuunang pansin ang ilog

"Edi san ka tutuloy? Alam mo pwede ka sa condo ko at garantee pa na hindi nya alam na may condo ako" Nahihiya man ako kay Autry eh tinggap ko na. Siguro babayaran ko na lang sya

"Pasensya na Autry naabala pa ata kita" bulong ko sa kanya bago kami bumaba ng bangka

"Di to libre. Babayaran mo ako ng triple" kahit na biro nya lang yon ay tototohanin ko yon

"Ako na ang pipila. Madalian lang naman ang pagbili ng tickets dito. Usap-bayad-deal. Tawa ka please nagjoke ako" tinusok nya pa ako sa tagiliran pero tinignan ko lang sya

"Sabi ko nga corny eh. Sige I'll buy tickets na"

Nag-intay pa ako ng 20 minutes at nakita ko sya na may hawak ng ticket. Ang bilis naman nya

"Hindi nanghingi ng ID? o kahit na anong documento?" tinanong ko agad sya

"Hindi. I'm awesome kasi" Then she give my ticket at sumakay na kami sa barko

Tahimik pa din ako habang naglalakad. Halo-halo ang nararadaman ko. Pagkamuhi at galit na lang. Ayaw kong aminin ang isa pang nararamdaman ko para sa kanya dahil matatalo at mas masasaktan ako

Pumasok na kami sa kwarto na inassist sa amin nung babae at dirediretsong nahiga si Autry sa isang kama

"Sa sobrang pagod ko yung may aircon na ang kinuha kong kwarto" sabi nya kaya napalingon ako.

"San ka kumuha ng pera?" tanong ko at umupo sa tabi nya. Pinakita nya ang card nya bago nagsalita

"I'm awesome nga kasi. Anyways hindi lilipas ang buwan na ito nang hindi ka nagkukwento okay?" aniya

Tumango na lang ako bilang sagot. Gustuhin ko mang magmukmok sa isang tabi ay hindi ko na ginawa dahil pagaaksaya lang iyon sa oras

He's My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon