Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nung pag-uusap namin ni Philip at Naalala ko pa ang usapan namin na nung una daw ay hindi nya inaasahan na madadamay ako sa gulo nilang 'magkaibigan'. Nagulat pa ako dahil sinabi nya sakin ang mga alam nya kaya matiwasay ako na nakinig nun.
"Maghihiganti?! For what! Bakit kailangang madamay pa ako!" Hindi ko na napigilan at hinampas ko na ang desk nya
"I don't know. They want me to suffer by destroying our plan of building the Nakahara Empire, pinasok nila ang negosyo natin but I was able to give immediate remedy" Napatingin ako sa kanya na diretsong nakatingin sa akin
"Kaya ako ang naging huli nilang baraha para mapabagsak ka?" Alinlangan kong tanong. I don't get it! Ano ang kailangan nila sa Hotels ng Nakahara? Pinabagsak ba ni Philip ang plantation nila? And I'm pretty sure na hindi kaya nino man si Philip because he is evil when it comes to our company. He is selfish at gagawin nya ang lahat para lang may mapatunayan
"Yeah. But still they didn't succeed" sinubukan kong huminahon atsaka umupo ulit sa upuan. 'They', ibig sabihin totoong kasama sila Eve at ang mga kaibigan ni Darrhius
"Bakit ka nila pababagsakin? Did you do something wrong?" tanong ko sa kanya. Maybe he stole some investors from Darrhius' power plantation. Pero para san?
"Why do you need to know about it?"
"Para hindi ako mukhang tanga dito na nanghuhula kung bakit nangyayari ito" Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto at akala ko ay hindi na sya magsasalita
"It's because of Eve" Panimula nya. Ano? Magkakakilala si Philip at Eve? Pero sinagot ko rin ang sarili ko ng 'Malamang'
"Ba't nadamay si Eve?" Di ko napigilang itanong
"Just wait and listen" kaya naman yun ang ginawa ko.
"Darrhius and I, we used hate each other before. I'm competing against that motherfucker because I want to see him suffer. He's the reason why father is not proud at me before. Kahit na ahead ako ng isang taon sa kanya ay nagawa nya paring kunin ang malaking shares ng company mula kay Mr. Madrigal at dahil doon ay nabawasan ang tiwala ng Papa sa akin. Kaya naisip ko na, why would I play fair if I can play dirty? Kaya ginawa ko ang lahat para kunin si Eve mula sa kanya and nagtagumpay ako. Halos mamatay sya ng hiwalayan sya ni Eve and it gave me happiness that time. Kaya ngayon ay naghihiganti sya sa pamamagitan mo. Kaya naman kinidnap ka nila and they also threatened me na hindi ka nila ibabalik kung Ico-close ko ang deal with Mr. Solomon..." Napairap na lang ako dahil malamang sa malamang ay Pinili nya ang deal with Mr. Kung-sino-man kaya tumagal ako ng limang buwan doon "So I made a plan. Pinasok ko ang Kumpanya ng mga Monrique para kalabanin si Darrhius and now Isa na ako sa major stock holder ng company nila at yun ang naging way ko para iparating na dapat ka nang ibalik pero hindi nya agad ginawa" Mahabang paliwanag nya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ganun ba kamahal ni Darrhius si Eve? Na umabot pa sa puntong may madamay na ibang tao. So talagang talo ako?
"Are you sure about that?" Nagtataka parin ako.
"Yes"
"Alam din ba nila papa na kinuha ako nila Darrhius?" Nagulat ako sa mga kakayahan ni Philip ngayon. Hindi ako makapaniwala na nagawa nya ang mga iyon sa loob lang ng 2-5 months
"Oo. Pero sinabi ko na kontrolado ko na ang nangyayari and I know that he won't hurt you" napangiti ako ng mapakla sa huli nyang sinabi. He won't hurt me? Huh! Eh ano ang ginawa nya sakin?
BINABASA MO ANG
He's My Kidnapper
RomanceNoelle Nakahara has been kidnapped. At first she can't accept everything. Until one night something happened and it lead her to escape from her kidnappers. She became a tool for revenge. What to do?