II. Angels In Hell

30 4 1
                                    


Zhiara



Agad kong pinaputukan ng baril ang isang lalaking nakaitim at fit sa katawan na damit.

Nagsilingon ang iba nyang kasama na abala sa pagpaslang sa ibang tao na nandito sa condo na tinutuluyan ko.

Lumapit sila sa akin at agad akong pinaputukan ng kanilang mga baril ngunit hindi ako natinag at agad tumakbo upang magtago sa mga bakal o kahoy na madadaanan ko na umaapoy.

Kung nagkakaroon ako ng pagkakataon , ako naman ang nagpapaulan sa kanila ng mga bala ko.

Patuloy pa rin silang nagpapaputok sa akin kaya't huminto ako sa isang pader at ikinasa ang mga baril ko. Tyles naman ang sahig kaya't naisipan kong sipain patungo sa isang direksyon ang isang balde ng tubig sa harap ko.

Umatras ako ng tatlong hakbang upang bumwelo at nagpadulas sa tyles na may tubig at kinuha itong pagkakataon upang paputukan ang mga lalaking kanina pa humahabol sa akin na hindi man lang namalayan na wala na ako sa lugar na inaakala nilang nanduon pa ako dahil sa abala sila sa pagpapaputok doon.

Ngunit nagpakita lang sila ng kahangalan dahil tapos na sila sa katanghangang ginagawa nila. Labing isa o higit pa ang agad na napatay ko pero hindi pa ito sapat para magsaya ako dahil alam kong mas marami pa sila .

Tumayo ako at tumakbo upang hanapin ang daan.

Sa sobrang tabimik ng hallway ay narinig ko ang mga yabag ng paa ng isang grupo ng tao. Sa tansya ko ay mga labing lima sila pataas.

Agad akong lumiko ng daan pero hindi para tumakbo ngunit para magtago at salubungin sila. Mas lalong lumalakas ang mga yabag kaya mas naging alerto ako dahil sa ito ay sinyales na malapit na sila.


Agad kong ipinasok ang isang baril ko sa holster sa paa ko at kinuha ang dalawang dagger mula rito.

" 3 .... 2.... 1 ! "

Humarang ako sa daan nila at binaril ang isang kasama nila sa gilid. Alam kong mabilis sila at isang kalabit lang ay papuputukan na nila ako.

Ngunit mas mabilis pa ako sa kanila na parang isang kisap mata.

Agad akong dumapa sa sahig dahilan para tumama kung saan saan ang mga bala nila.

Pinadulas ko ang baril na hawak at inalerto ang dalawa kong kamay sa paggamit ng dagger.

Tumayo ako at ginilitan sa leeg ang dalawang lalaking nasa harap ko na ikinatumba naman nila.

Hinarang ko ang isang lalaki gamit ang isang binti ko ng akmang lalapit sya sa akin. Samantalang sapilitan kong inaagaw sa isa pang lalaki ang kanyang baril at tinapon ito.

Pagkatapos ay agad kong hinila itong hangal na lalaking ito at pinadaosdus sa leeg nya ang dagger kong punong puno na ng dugo.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naging alerto ang presensya ko ng sandaliang mapadpad ang paningin ko sa lalaking hinarang ko ng aking binti nang maglalabas ito ng isang kutsilyo at akmang isasak sak sa akin.

Pinulupot ko ang paa kong nakaharang pa rin sa sa kanya sa bewang nya at ito ang ginamit ko upang mapalapit sya sa akin at maiwasan ang balak nyang gawin at agad na dinakma ng saksak sa kanyang simura.

Mabilis ko naman syang iniwan at sinugod ang iba pa upang mabawasan sila ng mabilis.

Nang lilima na lang ay agad kong binato ang isang dagger ko sa lalaking nasa gitna na syang tumama sa noo nya.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now