XXXVII. Farewell Soldier

12 3 2
                                    

Zhiara









Ito ang storya naming dalawa,
Kung saan sa isang hindi masabing gera kami nagkasama.
Kinuha ako at inilayo ako sa masama
Hinarap ang bawat laban para sa aming dalawa.

Humahangos ang bawat takbo namin sa masukal na daang ito. Dahil sa dilim ay hindi nya binibitawan ang kamay ko. Mahigpit ang hawak nya na para bang natatakot syang mawala ako.

Hindi ko na kaya..

Hindi ko na kayang ihakbang pa ang mga paa ko. Nanghihina na rin ang sistema ng katawan ko mula sa walang katapusang pagtakbo. Halos hindi ko na mahabol ang hininga ko ngunit hindi ako maaaring huminto.

Habang nakikita ko ang pagpupursigi nyang ilayo ako mula sa kapahamakan ay hindi ako maaaring bumitaw. Habang nakikita ko ang higpit ng hawak nya sa kamay ko ay hindi ako maaaring huminto. Hindi ako maaaring mapagod sa ganitong klase ng sitwasyon. Sya na lang ang natitira sa akin at ayaw ko syang biguin dahil lang sa napagod ako.


Ngunit hindi ko na talaga kaya...

"Arra!"

Nadapa ako ngunit hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa mukha nyang pawisan at nag-aalala. Nalungkot ako sa aking isipan nang mapagtanto kong maging sya ay pagod na din... pagod na rin sya ngunit hindi tulad ko ay hindi sya huminto.

"Pagod kana ba? Sumampa ka sa likod ko bubuhatin na lang kita."

Lalo akong nalungkot. Hindi sya tumitigil kahit pagod na rin sya. Hindi nya ako iiwan dito kahit kitang kita ko na sa kanyang mga mata na maging sya ay sukong-suko na. Hinila ko ang kamay kong mahigpit nyang hawak na ikinapagtaka nya.


"Arra ano bang ginagawa mo? Malapit na tayo sa DU. Konti nalang mararating na natin iyon bago pa tayo mahuli nila. Halika, kumapit ka sa akin at b-bubuhatin na lang kita."


Mabilis kong itinago ang kamay ko sa aking likod at humahangos na tumingin sa kanya. "M-ma... mauna kana." pilit ngiti kong sabi sa kanya.

Ngunit nakita kong halos nagliyab ang kulay asul nyang mata dahil sa galit. "Hindi. Dalawa tayong pupunta roon. Hindi kita iiwanan."

Ngumiti ako ng pilit sa kabila ng diin ng kanyang mga salita. Sumilip ako sa kanyang likuran at natanaw ko ang isang liwanag sa di kalayuan sa amin. Itinuro ko ito at sabay sabing, "Natatanaw ko na ang DU. Umalis kana bago ka pa maabutan nila."

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita iiwanan dito!"


"Umalis kana! Hayaan mo na ako!!"

"Sinabing kita pwedeng iwanan dito! Hindi ako maaaring pumasok ng DU hanggat hindi di kita kasama!!" napayuko ako sa sigaw nyang iyon. Nangilid ang mata ko nang may mapagtanto akong isang bagay na ikinasakit ng aking dibdib.

Nakita kong inabot nya ang dalawang kamay ko at hinaplos ito. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?" nangingilid kong tanong.

"Bakit mo pa ako kailangang iligtas? Bakit hindi ka pa sumama sa kanila at iwanan ako? Bakit!?" tuluyan nang umagos ang luha ko dala ng pagod at sakit.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now