III. Be Brave, Hope

19 4 0
                                    

Zhiara





Minulat ko ang aking mga mata.
Nakita ko ang sarili ko sa isang kwarto at nakahiga ako ng maayos sa isang puting puting kama.











Walang tali ... Walang busal.










Napakalaki ng kwarto.
Ngunit napakalungkot ng kulay nito.
Walang kahit na anong bintana at tanging bombilya lang ang meron.





Nasan ako?



Tumayo ako sa kama at nakita kong iba na ang suot ko at napakalinis ko na rin.



Naka uniporme ako na puti at long sleeves. Sa bawat dulo ng manggas ay may dalawang butones. Sa kanang bahagi naman ng kwelyo ay may bilog na logo ito. Ang nakasulat doon ay D. U at puro dugo ang background.

Nakapalda ako na itim at above the knee . Napakaiksi. Nakasuot na din ako ng medyas na itim na hanggang tuhod at black shoes.






Anong meron ?





May lumapit sa aking isang babae na naka maids uniform at may dalang tray ng pagkain . Yumuko sya ng makarating sa akin.



" Nasan ako? "








Tumingin sya sa akin at ngumiti .
" Sa isang mansyon po , binibini . "







Sinungaling.




Agad kong sinipa ang tray pataas at hinugot ang baril nya na nakalagay sa bulsa ng apron nya. Itinutuk ko ito sa kanya.



" Don't fool me around kiddo. "
May diin sa bawat salitang binitawan ko.

Tiningnan nya ang baril na nakatutok sa kanya ng may takot sa mukha. Ngunit agad ding nawala iyon at napalitan ng pagngisi nya.

Umikot sya patalikod at hinubad ang kanyang uniporme at muling humarap sa akin. " Matalino ka nga , sabi nila . Pero wala ka paring laban sa akin. "

Bahagya syang ngumisi sa akin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita " Don't worry, hindi ko kayang saktan ka sa mga oras na itoat wala akong balak. Such a pointless. "


Sabi nito at tumalikod na.
Pinihit nito ang doorknob ngunit ibinato muna nya sa akin ang isang bracelet na itim . " Wear that.... Wag mo akong kakalimutan . "




Binuksan na nya ang pintuan at doon may nakita pa akong isang tao sa labas nito.

Nakapang sundalo rin syang uniporme katulad ng babae kanina. Ngunit kung titingnan mo ay mga nasa mids 40 na ito kumpara sa edad nung babae mukhang 18 palang.



General.



" Kumain ba sya binibini? "
Tanong nya sa babae kanina.


Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now