XXX. The Day Has Come

17 4 0
                                    

Zhiara


Kunwari kong iniayos ang sumbrerong suot ko upang itago ang mukha ko. Matikas at kalmado na parang isang tunay na sundalo akong naglakad sa pasilyo papunta sa ikalimang kanto.

Tuloy tuloy lang ang paglakakad ko hanggang sa marating ko ang ikatlong kanto kung saan naroon ang karamihang sundalo na nagtitipon tipon ayon kay Hernando.

" Paano ba sya nakalabas? "

" Yun nga ang hindi pa malaman hanggang ngayon eh. Galit na galit ang Heneral at ipinapahalughug na sa atin ngayon ang buong DU "

Napahinto ako sandali nang marinig kong iyon ang pinag uusapan ng dalawang sundalong nakatalikod sa akin. Bahagya akong lumapit at yumuko ng kaunti upang mas lalo ko silang marinig.

" Napakatapang nya para maisipang lumabas "

" Buti pa sya ay nasilayan ang labas sa huling pagkakataon bago sya naging isa sa kanila "

Bago sya naging isa sa kanila?

Sino ang tinutukoy nilang nakalabas? Hindi kaya ay yung kasama ni Pufa sa garden ng DU? Ngunit sa pagkakaalam ko ay tatlong araw pa bago ang battle training. Hindi kaya ay nauna na talaga syang lumabas? Kung gayon man ang nangyari ay mukhang mahihirapan na din akong malaman ang daan palabas.

Nakaramdam ako ng isang pares ng mata na nagmamasid sa akin kaya ihahakbang ko na sana ang aking paa upang ituloy na ang paglalakad.


" De Jesus? "

Napahinto ako nang marinig ko ang boses na iyon sa likuran ko. Nalunok ko ang laway ko sa sobrang kaba at napayuko sa badge ng uniporme ni Alex. De jesus...

Muli akong napalunok nang laway nang mapagtanto kong ako nga tinatawag nang lalaki sa likuran ko. Bigla akong pinagpawisan dahil sa kabang nadarama ko at parang natahimik ang buong paligid.

Umisip ka ng paraan Zhia!

Nagpalinga linga ang mata ko upang maghanap nang magiging lusot ngunit ang agad kong namataan ay ang paghawi ng mga nakatalikod na sundalo upang padaanin ang isang bangkay.

Biglang nanginig ang mga kamay ko nang makita ko ang lalaking umatake sa amin ni Ace sa kakahuyan na wala nang malay. Nakahiga ito habang tulak tulak ng ilang lalaking nurse kasunod ang isang doktora na panay sulat sa dala nyang papel.

Kahit na halatang na wala na itong buhay at pansin na pansin ang ang pagkakatali nito sa kanyang higaan na nakakapagtaka. Ang itsura nya ngayon ay mas malala pa sa unang beses ko syang nakita.

Nagkalat ang dugo sa kanyang katawan na may halo nang kakaibang kulay. Tirik ang mata nito at gaya nang dati ay naninigas ang kamay at paa nito.

Halos masuka na ako sa tanawin na ito nang makaramdam ako ng isang akbay mula sa lalaking kanina pa tumatawag sa akin.

" De jesus! Tulala ka naman jan! " natatawang biro nito sa akin. Napayuko ako ng maigi at nagkunwaring inaayos ang gusot kong uniporme.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now