VI . The Truth About DU

25 4 0
                                    

Zhiara





" Ayos ka na ba dito? " Tanong sakin ni Ayami nang maihatid nya ako sa bagong kwarto na tutuloyan ko.




Ngumiti lang ako ng tipid at tumango.
" If you need something, nasa baba lang kami. "
Ngiti lang ang muli kong itinugon sa kanya bago sya lumabas ng pinto ng aking kwarto.





Inilibot ko ang paningin ko at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Napakalaki at ang sarap sa pakiramdam ng aura nito. Hindi katulad sa dati kong kwarto, napakasikip, napakabaho at napakadumi. Para bang kwarto ng isang inaaping katulong.





Well, hindi naman ako nalalayo doon.




Inilapag ko sa gilid ang mga dala kong gamit at lumapit sa may bintana. Hinawi ko ang kurtina at tumambad sa akin ang mapunong lugar ng DU. Ito na siguro ang pinakalikod nito dahil ayon sa nakikita ko, mukhang hindi ito pinupuntahan ng mga tao.






May kalayuan ang Lost Ring sa kung nasaan karaniwang ang mga estudyante. Para itong isang malaking mansyon na sinadya talaga para sa Rulers ng eskwelahang ito.





Bago makapasok dito ay madadaanan mo muna ang isang napakagandang hardin na kung tawagin ay Garden of Hailey. Sa paglapas doon ay bubungad na agad sa iyo ang napakagandang hall ng Lost Ring kung saan ang quarters ng mga Hari. At sa taas namang ito ay ang mga kwarto kung san sila tumitira.





Napapikit ako at sinamsam ang sarap ng hangin na dumadampi sa mukha ko.At sa pagpikit ko'y samut saring isipin ang lumitaw sa utak ko.





Pumayag ako sa naging usapan nila kahapon. Bukod sa natakot ako sa ginagawa nilang pagde debate ay may kung anong udyok ang sumasagi sa isipan ko na dapat akong mapalapit sa kanila. Na sumang ayon ako sa kanila.





I know i'll be in danger whenever im always with them, the oh-so-precouis-monsters. Like what ive said, they'll might be my way to death. Pero may kailangan akong malaman na matagal ko nang hinahanapan ng kasagutan. And i think, they are the answer.





Sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko at isa isang inilagay sa dapat na mga pinaglalagyan nito. Nang makapa ko ang isang kwadradong kahon na may kalakihan. Inilapag ko ito sa higaan at ini-lock muna ang mga bintana at pintuan.




Isinara ko ang mga kurtina at sinigurado kong walang makakakita sa akin.





Bumalik ako sa kama at muling dinampot yun. May kalumaan na ang kahon at halatang matagal na itong inimbak. After 2 years, ngayon ko na lang ulit ito bubuksan.





Dahan-dahan kong inangat ang takip ng kahon. Hanggang sa may nasilayan akong isa pang kahon sa loob. Ngunit kakaiba na ito sa nauna.





Ang kahon ay purong ginto na napapalibutan ng mga kristal na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng ilaw. Hindi pa rin ito kumukupas kahit na matagal ko na itong itinago.




Nang buksan ko ito'y agad na tumambad sa akin ang nakakaakit na singsing. Purong dyamante at mga kumikinang na bato. Napakaganda talaga nito na sa tuwing makikita mo'y pakiramdam mo ay napakasaya mo.





Hindi ko ito tinanggal sa lalagyan at sa halip ay tinitigan ko lang ito. Kitang kita ko ang mga sulat na umano'y inukit lamang dito.




The queen..




Kung titigan mo nang maigi ay mapupuna mo ang mga kurbang ahas na nakaukit din dito. Wari'y mga ahas na nagpapabatid ng mga ibat ibang klaseng emosyon. Lungkot, saya, hinagpis at kung ano ano pa.






Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now