XL. Fifth Day

9 1 0
                                    

This chapter is dedicated to VemarielRobles !
Thanks bb for supporting this story! Wak kana tampo nakalimutan ko lang hehehe wabyuuu and your ate!
Ingat kayo jan!

















Third Person







"Noona?"

Sambit nang naguguluhang Zayn habang kaharap ang babaeng may pulang buhok. Dahan-dahan nyang ibinaba ang kanyang baril at nilapitan ito ng husto.

Doon ay mas lalo nyang nakita ang itsura nito. Napakaraming galos at pasa sa kahit saang parte ng katawan. Madungis at duguan na ang suot nitong uniporme at napakagulo ng buhok.

"Noona anong nangyari sayo? Saan ka galing?" Nag-aalala nyang tanong  sa babae habang ibinabalik ang baril sa likod ng kanyang pantalon. Ngunit wala syang tugon na natanggap mula dito.

Noong una ay nakampante sya ng konti nang malaman nya na ito ang babaeng nasa kanyang isipan. Ngunit habang tumatagal ang pagkakatitig nya sa mukha nito ay muling umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.

Ang mata nito ay mapungay at matalim na nakatingin sa kanya. Habang ang labi nito ay nakangisi ng nakakakilabot. Dahil doon ay para bang ibang tao ang kanyang kaharap ngayon. Ibang iba sa Zhiara na kanyang kilala.

"Noona im so glad to see you okay! Let's go to Yumin, ipapagamot natin ang mga sugat mo" gayun pa man ay sinubukan nyang maging masigla sa harapan nito at pinipilit itago ang kabang kanyang naradamdaman.

Hinawakan nya ito sa braso upang sana ay hilahin. Ngunit hindi sumunod ang babae sa kanya. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya at sa pagkakataong ito ay napaatras sya at kusang bumitaw sa babae.

"Noona?"

Ang mata nito ay kulay berde na para bang isang mata ng mabagsik na halimaw. Malamig ang temperatura ng kanyang katawan at napakatigas.

Muling napaatras si Zayn dala ng kilabot ng gumalaw ito ng konti at ngumiti ng tuluyan. Gayun pa man ay hindi pa rin nawawala ang nakakatakot nyang ngisi.

"What are you doing here?" Tanong sa kanya ng babae sa napakalamig na tono. Napakurap kurap pa sya sa pagkabigla nang marinig nya muli ang boses nito pagkatapos ng mahabang panahon nilang pagkikita. Huminga sya ng malalim bago naisipang sagutin ito.

"Nakita kasi kitang naglalakad sa hallway at pumasok rito kaya sinundan ki----"  hindi nya natuloy ang kanyang isasagot dahil sa sobrang takot. Hindi sya makapag-isip ng maayos na sasabihin dahil ang utak nya ay napupuno ng pagtataka at takot.



Muling gumalaw ang labi ng babae upang muling magsalita.


"What are you doing here?" Pagpuputol sa kanya ng babae habang inuulit ang kanyang naunang tanong na nagpagulo ng isipan ni Zayn.

"What are you doing here all this time?" Humakbang ang babae papunta sa kanya na ikinalunok ni Zayn. Sinubukan nyang umatras muli ngunit para bang ang mga paa nito ay nakadikit sa sahig.

"What are you even doing here all this time without even thinking of saving me!?" Tumaas ang boses nito at bakas na sa mukha nya ang galit. Ang kanyang kaninang mukha na nakakatakot ay mas lalo na ngayong nakakakilabot.

"Noona..."

"I was waiting for you but you didn't even showed up to save me" pagpapatuloy nito habang sobrang talim na nakatingin kay Zayn. Sinubukan nyang pigilin ito upang sana ay magpaliwanag ngunit nauuna ang kabang kanyang nararamdaman. Wala syang ibang magawa kundi ang lumunok na lamang ng sariling laway.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now