XXXVIX. Well, He Knows

9 2 0
                                    

Yeol (Fifth)












"

Ngunit ito sana ang itatak mo sa iyong isipan. Hindi lahat ng itinuturin mong totoo ay totoo talaga sayo. Wag mong ipagpilitan ang sa sarili mo sa kanila samantalang ipinagtutulakan mo naman ang mga taong totoong nagmamalasakit saiyo."



At that moment i was stunned. I want to stop Ethan from walking out but my feets were glued to the ground.

Dudang duda na ako sa kanya pero nasaktan pa rin ako nang aminin ko na sa sarili kong naniniwala na ako na sya ang pumatay kay Red.

Nasasaktan akong pinagbibintangan ko sya at nasasaktan akong isipin na ang tinuturin kong pinakamabuting kaibigan ay magagawang pumatay ng isa pang kaibigan.

Gusto ko syang habulin pero anong sasabihin ko? Ang gagawin ko? Kahit na naniniwala na ako na sya nga ang maaaring pumatay kay Red ay wala pa rin naman akong matibay na ebidensya.

Paano ko sasabihin sa kanya ang haka-haka ko? Paano ko itatanong sa kanya ang katotohanan? Paano ko nagagawang mambintang nang ganito?

Noon paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na mahal namin ang isa't isa bilang magkakaibigan. Pamilya na ang turingan namin at mas dapat naming pagkatiwalaan ang bawat isa higit sa lahat.

Paulit ulit kong itinatatak sa isip ko na walang maaaring magtraydor sa amin. Na walang mang iiwan sa amin kaya't walang dahilan para magduda.


Ngunit bakit ako ngayon ang nawawalan na nang tiwala sa kanila? Bakit kailangan may mawala pang isa bago ko pa kwestyunin sa sarili ko ang katapatan nila?


Tapat ba talaga sila o sadyang tapat lang talaga ako sa kanila ng sobra kaya ni kahit minsan ay di sumagi sa isip ko na maaaring tinatraydor na nila ng isa't isa?


Bakit kasi kailangan mo pang mawala Red?

Napatingin ako sa kisame ng biglang namatay ang ilaw sa kusina. Lumabas ako dito at nakita kong patay rin ang lahat ng ilaw sa buong Lost Ring. Wala ring tao rito kaya nag-ikot pa ako a sala upang hanapin ang iba.

The Chore was slowly closing again that makes the surrounding more darker. I need to find a light immediately bago pa ako makangapa rito.

Pero sa pagtalikod ko ay nakakita agad ako ng liwanag na nanggagaling kay Ethan at Yumin na bumababa ng hagdanan.

Nagkatinginan pa kami sandali ni Ethan nang iniabot nya aa akin ang isa pang flashlight na dala nya.

"Bakit biglang nag brown out?" Tanong ni Yumin sa akin. Nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit.

" Si Zayn?" Tanong ko din kay Ethan pero mabilis lang syang nag-iwas sa akin ng tingin at saka nagkibit balikat na parang nagsasabi na hindi nya rin alam.

Humarap sya kay Yumin na ngayon ay nagtataka nang nakatingin sa amin, "Kamusta na si Ayami?" Tanong nito.

"Mabuti na lang at tapos na ako sa pagtanggal ng bala sa balikat nya at nabendahan na rin. Nandon sya sa loob naghihintay"  sagot naman ni Yumin.

"Maybe we can go there at doon na lang mag-antay sa iba. For sure on the way na rin sila Jake para ayusin ang lights. May generator naman sa lab" suggestion ni Yumin na ikinatango naming pareho.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now