XIII. The Prison Of The Past

11 4 0
                                    

Someone's



PS: ibang character po sya sa naunang SP (:


" Anak! Nandito na si mama " napahinto ako sa paglalaro nang marinig ko ang masiglang boses ni mama. Kumurte ng isang malawak na ngiti ang labi ko at agad na tumakbo palabas ng kwarto ko.


" Mama! " habang tumatakbo ay iniangat ko ang dalawang kamay ko senyales na magpapakarga ako kay mama. Binaba naman nya ang dala nyang gamit at lumuhod upang abangan ako sa paglapit ko.




Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni mama pero sapat lang na makakahinga ako. Agad nya akong hinalikan sa pisngi saka humarap sa akin " May pasalubong si mama sayo "





Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi ni mama " Yehey!" Napapalak pak pa ako sa tuwa.



Agad na inilabas ni mama ang isang bagong robot mula sa mga dala nya. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang inaabot sakin ni mama ang bagong laruan ko. Tamang tama tong panlaban kay MegaVolt na isang laruang robot ko din !



Pero bago yun ay ibinaba ko muna ang laruan at saka niyakap si mama. " Thank you po mama! " sa murang edad ay sa ganitong paraan ko lamang masusuklian ang kabaitan at pagmamahal sa akin ni mama. Ganito muna sa ngayon dahil ako naman ang mag aalaga sa kanya pag laki ko.



" I love you too anak " sambit ni mama habang pinipisil ang pisngi ko . Napahagikgik naman ako sa ginawa nya. Kahit kaming dalawa na lang ni mama ang magkasama at hindi namin kasama si tatay. Masaya parin kaming dalawa kahit hindi ko kilala si papa.



" i love you so muchhhh ma!" Sambit ko habang pinangigi gilan ko nang halik si mama sa pisngi.
" Hmmm. Baho " pabirong sabi ni mama habang nagtatakip pa nang ilong.


" Hahahahaha hindi ako nag toothbrush eh " balik kong biro kay mama kahit nagtoothbrush naman talaga ako. Gusto ko lang kulitin ako ni mama. Hihihi

" Yucckk. Halika at papaliguan na kita " napabusangot ako bigla sa sinabi ni mama.
" eeehhh mama, im already big boy na. Kaya ko nang maligo. Im already 8 years old. " atungal ko.



" ah ganun ah ayaw mo nang magpaligo kay mama ah. Heto ka " biglang itinaas ni mama ang dalawa nyang kamay. Nanlaki bigla ang mata ko. O-oh.



" hahahahaha mama joke lang po hahaha " agad akong tumakbo dahil alam kong kikilitiin ako ni mama.


" Go run baby! Hide "





"Hahahahahah "










******



" Good night baby"





" Good night ma"

Matapos akong halikan ni mama sa ulo ay isinara na nya ang pinto ng kwarto ko. Gabi na pala kaya ako ni mama pinapaligo kanina dahil sa malapit na kaming matulog.


Ang saya ko ngayong araw. Sana paggising ko ay ganito ulit. Kasama ko ulit si mama....




" Kahit na anong gawin nyo ay hindi ako papayag! Isinusum--- "


Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now