XXXVIII. She's Back

10 2 0
                                    

Zayn (Seventh)









"Ayami dapa!" mabilis kong sinipa ang basurahan na malapit sa amin at pumulot nang matigas na bagay roon saka ibinato sa lalaking papalapit kay Ayami.

Tumama agad ito sa kanyang ulo na ikinatumba nya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na hilahin si Ayami at tumakbo.

Mabilis kaming lumiko sa pasilyo at iniwasan ang ilang kalalakihan na nagbabalak ring makisali sa paghuli sa amin. "I told you not to dwell on this things!" galit kong sigaw para kay Ayami habang tumatakbo.

Ilang beses ko na syang pinagsabihan na hindi na nya kailangan pang makialam sa amin. She's not a ruler at hindi naman sya kailangan ng mga taong iyon pero pilit pa rin syang nakikisali sa gulo.

Nakarinig ako ng pagputok ng baril sa paligid na sa tiyak ko ay para sa amin. Nakikita ko kung pano humahawi ang ilang estudyante sa daan at pumapasok sa kanilang mga kwarto dahil sa takot na madamay sa putukan. Walang may pumipigil sa humahabol sa amin at walang may balak na magpahinto.


Dahil ito ang batas, ito ang klase ng laro na gusto ng lahat. Kahit sino ay gugustuhing makalabas sa DU kaya't lahat ay makikisalo sa larong pagpatay sa isang Hari.

Ngunit sa ganitong klase ng laro ay hindi namin magagawang lumaban ng matagal. Ang pagtakbo ang sa ngayon ang solusyon upang mailigtas ang kanya kanya naming buhay.


Lumiko muli ako sa pasilyo at bumaba sa hagdanan habang hila-hila ko pa rin si Ayami. Tuloy-tuloy pa rin ang mga putok ng baril na hinahabol kami. Kaya kailangan kong makapunta agad sa field upang magkaroon man lang ako ng bwelo at pagkakataon na labanan din sila. Kailangan humanap ako ng pagkakataon.


Ngunit hindi pa kami tuluyang nangangalahati sa hagdanan ay napasigaw si Ayami ng tamaan sya sa kanyang braso ng isang maswerteng bala.

"Puta!" mabilis kong hinugot ang baril sa aking likod at saka ginantihan ng putok ang mga kalalakihang estudyante na humahabol sa amin.


Wala akong balak na saktan din sila at hangga't maaari ay iniiwasan kong makapatay ngunit sadyang sinasagad nila ako. Lalo pa't si Ayami pa ang pinatamaan nila. Nakakalimutan na ata nila kung sino ang kinakalaban nila.


Iniligay ko si Ayami sa likuran ko at saka dalawang kamay hinawakan ang baril ko. Lumuhod kaming pareho sa gitna ng hagdanan at hinintay na lumiko rin ang mga estudyanteng humahabol sa amin.


Ang buong akala nila ay tumatakbo pa rin kami kaya't wala silang malay at tuloy tuloy rin ang takbo. Ang hindi nila alam ay inaabangan ko lamang sila.


Isa-isa ngunit asintado kong ipinutok ang baril ko sa bawat estudyanteng nakikita kong lumiliko sa pasilyo. Pinatatamaan ko sa kanilang tuhod, balikat at tadyang sapat para mamilipit sila sa sakit.

Nang wala nang lumabas pa ay muli kong hinila si Ayami at tuluyang bumaba sa hagdanan. Nakarinig ako ng dobleng pagputok ng baril at nakita ko si Yeol, Ethan at Jake na nakikipagbarilan din sa mga humahabol sa kanila.

Sumabay kami sa pagtakbo sa kanila at sumunod kay Ethan nang sinenyasan nya kami. Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang kotseng inimbento ni Ethan. Mas binilisan pa namin ang aming takbo at saka sumakay doon.



Wala pang ilang segundo ay pinaandar na nya ito ng makaupo kaming lahat at saka kami dire-diretsong nagtungo sa Lost Ring.

"Aya stay still. Malapit na tayo" tinapik-tapik ko ang pisngi ni Ayami na namumutla sa aking tabi. Nakita ko ang tuloy tuloy na pag-agos ng dugo mula sa kanyang braso kaya't tinakpan ko ito.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now