XVII. Welcome To Class A

10 4 0
                                    

Zhiara


" Ano ba bitawan moko! "
Dahil sa hila hila pa rin ako nitong kulugo nato pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ang sakit kaya, kaya ko naman kasi maglakad  mag isa eh.

Sinamaan ko nang tingin sina Zayn at Yeol na kanina pa ako pinagtatawanan sa likod maging si Bleu na kahit tahimik lang ay pangisi ngisi pa.

Agad nanlaki ang mata nya habang nakangisi pa at nagkibit balikat na para bang tinatanong akong " What?" Inirapan ko na lamang sya at binalik ang tuon ko kay Ace na wala paring ekspresyon na humihila sa akin.


Yes, kanina hinahanap ko sya kasi may sasabihin lang naman ako sa kanya pero bakit parang ngayon ay nagsisisi na akong ako ang  nahanap nya. Bwesit na halimaw!

" Bitawan mo nga sabi ako! "
Pag uulit ko sa kanya sa kabila nang sakit na nararamdaman ko sa pagkakahawak nya sakin. Balak ba nyang putulin ang kamay ko!? Pangalawang beses na to ah. Di ba nya nakikita na nakabandage pa yung kabila kong braso?

Napaungol ako sa sakit nang bigla na lamang syang huminto at nauntog ang ulo ko sa matigas nyang katawan. Pero masamang tingin ulit ang ipinukol ko sa kanya.
" Bitawan mo ko. " mahina ngunit may diin kong sambit sa kanya na para bang sinisindak ko sya.


Well, sana gumana.


Ngunit isang inaantok na tingin lang ang ibinigay nya sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakahawak sa kamay ko. " No. "

Napanganga ako sa katigasan nang ulo ng kulugong ito at saka ako muling hinila. Isang irap muli ang pinakawalan ko at hinipan ko na lamang ang buhok na humarang sa mukha ko.



Patapon nya akong binitawan papasok sa isang---classroom? Lahat nang tao ay nakatingin sa akin. Nandito din ang ibang halimaw este Kings na nahuli ko pang nambu-bully ng kaklase.

Hayy nako naman

Agad nagsisistakbo sina Yeol at Zayn sa mga upuan nila at nagsimula nang makipagharutan sa mga katabi. Si Bleu naman ay pailing iling habang nakapamulsang nagtungo sa upuan nya.

Nagulat ako nang biglang may kung anong bagay ang ibinato sa akin na nasalo ko naman. Bag ko pala. Sinamaan ko ang taong nagbato sakin nito na si Ace pala at umupo na sa upuan nya .

Nang ako nalang mag isa sa gitna ay---seryoso?
Ganun ganun na lang yun? Bibitbitin nila ako dito tas iiwanan nila ako nang ganun ganun na lang?? Anong mga nasa utak ng mga halimaw na to at hindi man lang marunong makonsensya dahil sa wala silang respeto kahit sa kaibudturan nang kaluluwa nila.

Aiissh grabe naman talagang kahayupan nato. Hindi ko na talaga to mapapalampas pa sa susunod. 

" Yes, Miss? "
Napalingon ako nang may isang lalakeng gurong mukhang bata pa ang nasa likuran ko na at naglalapag na kanyang gamit sa lamesa nya.


" What are you doing here? You are? " sasagutin ko palang sana ang tanong ng teacher nato nang biglang may humila na naman sa kamay ko at dire diretso akong dinala sa hilera ng mga Kings.


Agad tumayo si Yeol nang mapadaan kami sa harapan nya at pilit ngiting tumingin kay Ace na parang hindi man lang sya pinabaril nito." Ah First, pwede bang tabi ko nalang si Noona? Please? "


Napatawa ako ng konti sa inaasta ni Yeol sa harapan ko. Para syang batang nagmamakaawang bigyan ng candy ng kuya nya.

Napatingin ako kay Ace na hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Blangko lamang ang ekspresyon nya ngunit parang may nais syang sabihin na hindi ko maintidihan.


Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now