XXXII. Escape The Mess

13 4 0
                                    

Zhiara








" Arra! Arra gumising ka! "


Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang isang nag-aalalang mukha. Damang dama ko ang malakas na pagtapik nya sa aking mukha dahilan ng tuluyan kong pagkagising.

" Nasan tayo? " inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isa kaming liblib na lugar. Kaming dalawa lamang ang tao at madilim na ang paligid. Tinakpan nya ang bibig ko at saka pinakiramdam ang paligid. " sssh "


" Wala rito! Dun tayo sa kabila! " narinig namin ang mga iilang lalaki na tila hinahanap kami. I hold my breathe for a while to prevent making some noise and wait for them until they were gone.



Nang mawala na ang mga yapak mula sa mga taong iyon ay napahinga kaming pareho. Tinulungan nya akong maupo at doon ko lang napansin na nasa isa kaming kweba.


" Nasan sila? " tanong ko sa lalaking kasama ko. Yumuko sya habang ang parehong braso nya ay nasa kanyang tuhod.

" Hahanapin natin sila " tanging tugon lamang nito. Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang dibdib ko at tumulo na ang kanina pang nagbabadyang luha sa aking mata.

Kasabay ng pagkadama ko sa aking pagod ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Napayakap ako sa tuhod ko nang maramdaman ko ang lamig.

" Natatakot ako " bulong ko sa hangin. Binalingan nya ako ng kanyang tingin.

" Hindi kita iiwan,  kasama mo ako. " tugon nya

" P-paano kung kunin ka din nila? " nag-aalalang tanong ko. Hinarap nya ako ng tuluyan at hinawakan ang mga kamay ko. " Hindi mangyayari yon " Sambit nya.


" Sasamahan kita " dugtong nya. " Sasamahan kita hanggang sa mahanap natin sila " mahinang bigkas nya na para bang hindi nya gusto ang ideya ng kanyang sinabi.

" Kasalanan ko ito " ang kaninang mga luha ay ngayo'y dumudoble na dahil sa bigat ng aking nararamdaman.




" This is no ones fault, stop blaming yourself " niyakap nya ako upang aluhin at makaramdam ng kaunting init mula sa kanyang katawan.




" I will always be here with you, until you find him "






Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilayo ang sarili ko mula sa panaginip na iyon. Naramdaman ko na naman ang muling pagtulo ng aking luha na para bang ang sakit nang panaginip na iyon ay naulit.





Kumikirot ang ulo ko at patuloy kong naaalala ang mga ala-ala na hindi ko naman matandaang nangyari sa akin. Iba-iba at napakagulo.



" Zhiara, magtiwala ka lang sa amin. Itatakas ka namin dito. " isang grupo ng sundalo ang nasa harapan ko ngayon. Pawang mukhang nagmamadali at may binabantayan.

" Sino kayo? " tanong ko sa mga ito.




Mabilis nilang pinagtatanggal ang mga kable na nakakabit sa katawan ko at nakadugtong sa mga aparatu na nasa loob ng kwarto.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now