XXVIII. The Soldier

15 4 0
                                    

Steve ( Nine )






" Nagmamakaawa ako! "  patuloy akong umiiyak dahil sa desperesasyon at sakit ng katawan na nadarama ko. Kitang kita ko ang mga kaibigan kong nakahiga sa sahig at namimilipit sa sa sakit ng katawan dulot ng pambubugbug sa amin.

" Parang ayaw nyo na gusto ko lamang na makatulong " muli kong pakiusap sa Heneral na nasa harapan ko.

" Makatulong? " Natatawang sambit ng Heneral. Tumango naman ako at kahit na nakaluhod ay lumapit ako sa harapan nya upang yakapin ang isang paa nya.

Napapikit ako habang inaalala ang mga kaibigan kong wala nang malay at nanganganib pa ang buhay. Kailangan kong gawin ito para sa kanila. " Tutulong ako upang paniwalain silang normal lang ang lahat. Tutulong akong ilayo sila kay Zhiara at tutulong akong siguraduhin na walang maaalala si Zhiara! " pagmamakaawa ko.

" Pakiusap, buhayin mo lang kami. Kahit ipasok mo nalang kami sa DU, h-heneral. "  patuloy ko pang iyak sa sobrang desperasayon na hindi kami mamatay nang mga kaibigan ko. Iwinasiwas nya ang kanyang binti upang maalis ako ngunit hindi ako nagpatinag, kumapit ako ng mahigpit.

Ngunit wala akong magawa nang utusan nya ang ilang kalalakihan na kapwa ko at nang mga kaibigan ko na nakasuot ng pangsundalong uniporme upang ilayo ako sa Heneral. " Bakit kailangan mong gawin ito!? " sigaw nya na dumagundong sa buong paligid.

" I-ito lamang ho ang natitira kong paraan upang iligtas sila "  tugon ko habang nagdadasal na sana pagbigayan ang pag-asang nadarama ko. Napasulyap ako sa mga kaibigan kong duguan at muling napaiyak. Ito na ang katapusan ng lahat, sila na lamang  ang natitira sa akin at hindi ko hahayaang sa ganito humantong ang katapusan naming lahat. Kailangan kong gumawa ng paraan kaya kahit na alam kong matigas ang puso ng heneral ay nagmakaawa akong buhayin kami.

Ngunit napatingin ako sa heneral at muling umagos ang mga luha ko nang makitang isa isang dinadampot ng mga kapwa ko sundalo ang mga kaibigan kong walang malay. Nagpumiglas ako at sinubukang manlaban upang iligtas sila.

" Hindi! Wag!  Pakiusap wag mo silang sasaktan Heneral " pagmamakaawa ko muli ngunit hindi ako tinuguan bagkus ay inutusan nyang ilabas na ang mga kaibigan ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya at muling yumakap sa tuhod nya at nagmaakaawa.

" Heneral, pakiusap! Sila nalang ang natitira sa akin " patuloy kong iyak ngunit gaya kanina ay wala pa rin syang tugon.

" S-steve... " napalingon ako nang marinig kong tinawag ako ng kaibigan kong buhat buhat ng isang sundalo at ang pinakahuling lalabas ng pinto.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Ngunit mabilis din akong napigilan ng ilang mga sundalo kaya't nahawakan ko lamang ang kamay nito. " Ace! Ililigtas ko kayo! Pangako! Pangako hintayin nyo ako " sigaw ko habang unti unti nila syang inilalayo sa akin.

Ngunit lalong dumoble ang luhang tumulo sa mata ko nang makita ko ang pagpipilit nya ng isang ngiti " H-hihintayin ka namin " at tuluyang napabitaw ang paghahawak ng aming kamay. Isinarado nila ang pinto kaya't muli akong humarap sa heneral at  yumuko sa kanyang harapan habang nakaluhod.

" Heneral, pakiusap. Gagawin ko ang lahat ng iuutos ninyo buhayin nyo lamang kami. " muli kong sambit.

" Bueno " mabilis akong napaangat ng ulo at nakita ko ang heneral na lumalabas ng pintuan. " Alang alang sa iyong pagiging tapat sa akin ay ipapasok ko ng DU ang iyong mga kaibigan "  naiwan akong mag isa sa loob ng malaking kwarto at muli akong napaiyak dahil sa sobrang tuwa na aking nadarama.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now