XXIV. Your Queen

12 4 0
                                    

Zhiara










"Zhiara"











"Zhiara.."










"Zhiara!"

Sa isang iglap nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na parang itinulak ako nito na syang nagpagising sakin.



Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko at tiningnan ang malabong paligid. Nagpasirko-sirko ang paningin ko at parang lulang-lula ako sa di malamang dahilan.



Nang umayos na ang pakiramdam ko ng kaunti ay saka ko inaninag ang paligid. Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa pader.


Nasa loob ako ng isang kwarto na walang gamit na kahit na ano maliban sa malabong ilaw. Naramdaman ko ding nakagapos ang mga kamay at paa ko at tanging ako lang ang nasa loob ng kwarto.



Taka-takang inikot ko nang paningin ang paligid at pilit na inaalala ang dahilan kung bakit ako nandito.




Nang maalala ko'y agad kong hinanap si Ace na syang naaalala kong huli kong kasama. Umusbong agad ang kaba at pag-aalala sa aking dibdib.





Asan kaya yung lalaking yun?





"KASALANAN MO ANG LAHAT NG ITO! PAPATAYIN KITA!!"
Sumatinig sa aking isipan ang sinabi nya at hanggang ngayon ay kinikilabutan pa din ako sa tunog ng boses nya na syang nagpasindak sa buo kong sistema. Nakakapagtaka na parang kilalang kilala nya ako gayung kahapon ko lamang sya nakita.





At ang itsura nya.






Kakaiba talaga ang itsura nya. Hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag. Nakakatakot  at parang hindi sya tao.
Parang halimaw...




Tok tok tok




Agad na bumaling ang paningin ko sa pinto ng may kumatok dito ngunit agad ding bumukas. Naghalo agad ang mga emosyon na nararamdaman ko ng makilala ko kung sino ang pumasok.



Samu't-saring tanong, panlulumo, pagkadismaya at higit sa lahat ay galit. Mula sa talampakan ko ay umakyat ang dugo ko at saka tumingin sa kanila ng diretso.



" Buti naman at gising kana. "



Ay hindi tulog pa, kaya nga nakadilat eh.








Napangisi ako sa pabungad nyang salita. Humugot ako ng malalim na hininga at saka sya matapang na tiningnan sa mata. Tumitig talaga ako para maramdaman nya ang galit na meron ako ngayon.

Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now