XXII. The Start Of Thee Misery.

18 4 0
                                    

Zhiara






Napansin ko nga na walang halimaw ang mga pumasok ngayon. Asan kaya sila? Bakit di sila pumasok? Ganto ba talaga sila kafeeling Hari?



Hayys



Mahina kong pinupukpok yung ballpen ko sa desk ko. Simbolo na nabuburyo na ako dito. Wala namang pumapasok sa kukote ko eh kahit na anong gawin ko.



Mamaya maya pa ay may isang tao ang pumasok sa kwarto, si Dave. Aba himala, may isa pa sa mga halimaw ang masipag na pumasok ngayon. Late nga lang.


Nakita kong galit na napalingon yung Prof namin sa kanya dahil bukod sa late na sya di pa sya humingi ng tawad. Pssh.

Wala namang nagawa ang prof namin ng dumire-diretso lang ito at umupo sa tabi ko. Kumunot naman ang noo kong hinarap sya. Di naman dito yung upuan nya l? Bat sya nandito?


" Hi Zhiara! " Bati nya sakin na may malaking ngiti sa mukha. Binigyan ko lang sya nang anong-meron-sayo-look. Ngunit patuloy lang sya sa pagngiti ng napakalaki. Pssh, nakakairita kaya i-snob-an ko nalang sya atsaka ako humarap muli sa Prof namin na nagsimula na ulit nagturo.

Narinig kong bumugha sya ng hangin at naramdaman kong nangamot sya ng ulo nya saka sumandal sa upuan.



Ano kayang kailangan nito?


Diko nalang sya pinansin pa at pinilit ko nalang na makinig sa turo ng Prof namin. Sana lang may pumasok sa utak ko kahit papano.








                                          -------------------



Napahikab ako sa huling pagkakataon bago kami idismiss ng prof namin. Inayos ko na ang gamit ko saka tumayo pero paalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko .

Tiningnan ko ang kamay na humawak sakin at ang mukha nang nagmamay ari nito na si Dave. Problema ba neto?

" Ah Zhiara? Hehe. " Tinaasan ko sya ng kilay at pilit na nag abang nang sasabihin nya. " Ah hehe kasi, ano eh. " Pakamot kamot pa ito sa ulo nya. Ano ba? May sasabihin ba sya o wala?



Naghintay pako ng konting segundo pero mukhang di nya parin mabuo sa dila nya yung sasabihin nya. Naiinis  na ako sa kanya kaya pinilit kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

Nagmadali akong naglakad pero bago pa ako makalayo sa kanya ay napitlag ako sa mga tanong na lumabas sa bibig nya.


" Totoo ba na ikaw ang pumatay sa mga tao sa lumang building? " Huminto ako pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. Where this conversation will go?

" If it is you, why youre FS status says youre just nothing and just a messy dirt to us? Gaano ka kalakas para pumatay ng mga tao ? Teka, sino ka ba talaga? Please Zhiara I need an answer. "  Napakapit ako nang mahigpit sa strap ng bag ko at dito ko binuhos ang pagtitimpi ko.




Ano na naman ba ito?



Isa na naman ba ito sa mga pagbibintang nila? Ngayon ko lang narinig ang mga to sa isang Hari ng DU . Pati ba naman sila magpapaniwala pa sa mga kwento ?



I thought they were bright enough to think that everything needs a proof. I thought they just need me to do their oh-so-unknown-plans. Kung gagawin lang nila akong pain at instrumento nila why they have to dig into my personality and conclude with any valid investigation? Ano bang pake nila kung mamamatay-tao ako o hindi?



Dominiarium UniversityWhere stories live. Discover now