Title: ATAUL
Author: iamzielle09
Genre: Mystery/Thriller
Date Submittes: July 13, 2016
Word Count: 1,780STORY
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Isang kakaibang araw ang bumungad sa dalawampu't tatlong taong gulang na si Arthur. Iginala niya ang tingin sa labas ng kanyang bahay bitbit ang isang plastik ng basura na kanyang naipon.
Wala sa kalsada, sa harap ng bahay o sa gilid man ang batang si Ton-Ton na parati niyang hinihintay. Naisipan niya na lamang na ibaba at itabi ang basura at baka mamaya ay dumating ang paslit at kunin din iyon. Isinara niya ng mabuti ang gate ng kanyang bahay upang dumeretso na sa kanyang trabaho.
Ngunit bago pa man siya makahakbang ng lampas lima, natigilan siya at nagsimulang maglakbay ang isip tungkol sa huling sinabi ng bata sa kanya.
"Kuya, malapit na akong mamatay."
Nangilabot ang binata matapos maalala ang mga katagang iyon. Umiling na lamang siya at muling tinahak ang kalsada patungo sa sakayan ng tricycle. Ngunit ang kanyang isip ay nanatiling nakakabit sa musmos na batang araw araw na nagtatapon ng basura niya dahil may iisa itong hangarin.
Kakaiba si Ton-Ton sa lahat ng batang nakapalagayan niya ng loob. Bukod sa napaka tipid nitong magsalita, madalas itong humingi sa kanya ng pako at minsan na din'g humiram ng martilyo.
Sa hilig ni Arthur sa mga bata, isa si Ton-Ton sa nakapagpalambot ng kanyang puso. Tuwing kukunin nito ang kanyng basura na may kasamang sampung pisong bayad, nilalaharan niya rin ito ng kaunting pagkain. Parating buhol ang kilay ni Arthur sa pagtataka dahil parati rin'g tinatanggihan ni Ton-Ton ang alok niyang pagkain.
"Hindi po ako gutom. Mga pako na lamang po ang ibigay niyo kung maaari." ito ang parating sagot ng bata.
Masyadong nahiwagaan ang binata sa musmos kaya naman nilaliman niya ang pakikipag-palagayan ng loob dito.
Ilang linggo nang nalalagi si Ton-Ton sa kanilang lugar upang mangolekta ng basura. Ngunit bukod tanging sa kanya lamang ito nanghihingi ng pako. Masyadong naokupa ni Ton-Ton ang kanyang isip kaya naman hindi siya nakatiis at nagtanong ng sagot sa bata, isang araw ng Huwebes.
"Bakit pako ang gusto mo? Ayaw mo bang kumain?" mahinahong tanong ni Arthur sa batang nagbibilang ng baryang nakalap niya sa araw na iyon. Kumpara sa ibang bata, maayos ang pangangatawan nito. Mababatid na hindi ito nakararanas ng kasalatan sa pagkain. Maayos at malusog ito sa paningin ng binata.
"Busog po ako."
"Para saan ang mga pako?" pag uulit na tanong ng binata. Natigil ang bata sa pagbibilng at tinitigan siya nito ng napakalalim.
"Para sa ataul ko po." walang bahid ng anumang emosyon na sagot ng bata.
Namilog ang mata ni Arthur sa narinig. Tumaas ang kanysng balahibo sa batok matapos masigurong walang halong biro ang sinabi ng bata.
"Ba-bakit? Para saan ang ataul?" hindi makapaniwala si Arthur na magmumula ang mga salitang iyon sa siyam na taong bmgulang na batang iyon. Hindi pa gaanong mulat ang bata sa hiwaga ng mundo ngunit nagawa na nitong magsabi agad ng bagay na pilit na iniiwasan ng iba.
Sandaling tumango ang batang si Ton-Ton. Inilipat nito ang mga barya sa kanang kamay saka ginamit na panturo sa kalsada ang kaliwa nito. Sinundan ni Arthur ang braso nitong nakatutok sa kalsadang malapit sa kinatatayuan ng kanyang bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/74952406-288-k146768.jpg)