ENTRY #8: THE SAINT AND THE SINNER BY STOUTHEART

2.2K 58 9
                                    

Title: THE SAINT AND THE SINNER
Author: Stoutheart
Genre: Adult Fiction
Date Submittes: July 31, 2016
Word Count: 1,722


STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●


"Buksan mo 'to Tamara" Mariing utos ni kuya sa'kin kasabay ng malakas na pagkalampag sa saradong pinto. Rinig na rinig ko ang paghiyaw n'ya sa labas ng k'warto ko, ngunit nanatili akong nakahiga.

Mas lalo akong namaluktot mula sa pagkakahiga sa kama. Mahigpit kong niyakap ang kumot na nakabalot sa katawan ko, dahil alam ko naman kung anong mangyayari kapag tumayo ako at lumabas doon.

Kumawala ang isang masakit na hikbi mula sa lalamunan ko nang maalala ko na naman kung bakit ako nakakulong sa k'warto. Kung bakit namamaga ang mata ko sa kaka-iyak. Kung bakit nagtatago ako sa kanilang lahat.

Buntis ako, at hindi nila matanggap iyon. Kahit ako ay hindi ko rin matanggap. Hindi pa ako handa. Napakabata ko pa para sa ganitong sitwas'yon. Nakakahiya. Hindi ko lubos maisip na may buhay na pumipintig sa sinapupunan ko. Mas lalo rin akong nahihiya sa kadahilanang, ang kanilang bunsong anak na nasa labing anim na taong gulang pa lang at nasa highschool, isa sa matatalinong estudyante sa paaralang pinapasukan nito, heto't nagdadalang tao na!

Pumikit ako nang mariin. Alinsabay n'on ay ang marahas na pagbukas ng pinto. Hindi ko iyon binigyang pansin. Mas lalo akong namaluktot.

"Mag-ayos ka ng sarili Tamara." mariing wika ni kuya. Umiling ako at tuluyan nang humagulgol. "Nasa baba na sina Sandro kaya ayusin mo ‘yang sarili mo!" tumaas ang boses ni kuya Sandro, kaya napakislot ako. Hinila n'ya ang kumot na nakapaikot sa bewang ko at hinila patayo ang braso ko, hindi alintana kung nasasaktan ako o hindi.

Tuluyan akong napa-upo at sinalubong ang galit na ekspresyon ni kuya.

"Ku—Kuya," nanginginig kong tawag sa kanya. Inabot ko ang lay-layan ng puti n'yang damit. Kitang-kita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Lumambot ito na tila nahihirapan.

Tumingin lang s'ya at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Hi--Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya kuya." hikbi kong wika sa kanya ngunit, tanging iling ang kanyang ginawa at binitawan ang braso ko.

"Ayusin mo ang sarili mo at babain mo sila. Wala akong panahon sa putang inang drama Tamara," mariin nitong wika bago, humakbang palayo at pabalibag na isinarado ang pinto.

Lalo akong napaiyak. Napasalampak na ako sa sahig. Hindi ko talaga matanggap ang nagawa kong kasalanan.

May boyfriend ako. Alam iyon nila mama, pero ang tanging paki-usap nila sa amin kaya pinayagan kami ay ang, 'wag lumampas sa limitasyon. Dapat alam namin kung saan ilulugar ang sarili, kaya laking galit nila sa amin ng malaman nilang buntis ako dalawang araw na ang nakakaraan.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Bumaba ako matapos n'on para harapin sila. Doon, nasaksihan ko ang pag-iyak ni mama habang pinag- uusapan ang kasal. Nakayuko lamang si Sandro habang tinatanggap ang galit ni papa, habang si kuya ay mariing nakakuyom ang dalawang kamay.

"Pananagutan mo ang anak ko Sandro." Mariing anas ni Daddy.

Pulang-pula ang mga mata ni Sandro nang tumungo ito at tumingin kay Daddy.

"Sir, responsibilidad ko na po si Tamara. Pananagutan ko po s'ya hindi dahil may buhay sa kanyang sinapupunan. Pananagutan ko po s'ya dahil mahal na mahal ko po ang anak n'yo." Mariing saad ni Sandro. Lalo akong napa-iyak. Walang sinabi si Daddy. Ako naman ay mabilis na bumaba at sinalubong nang yakap si Sandro.

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon