ENTRY #18: ANG MASAHISTA BY SIR PENTE

1.8K 32 18
                                    

Title: ANG MASAHISTA
Author: Sir Pente
Genre: Adult Fiction
Date Submittes: August 28, 2016
Word Count: 1,898

STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Andrew Mendes' P.O.V

Napatingin agad ako sa aking orasan habang inaantay na muling makita ko siya. Kapapasok ko lang sa loob ng itim kong Mercedes Bench habang linuluwagan ko ang leeg kurbata ko. 

"Sa Spa, Bruno." Utos ko sa drayber kong nasa edad lang ng Beinte Singko. Tumango siya bilang sagot at binuhay ang sasakyan bago ito pinatakbo. Isa akong sikat na tao kung tungkol sa Negosyo ang pag-uusapan. Tatak ang pangalan ko sa lahat ng magazine, sa newpaper, sa internet at sa buong mundo. 

Maraming nagsasabing dahil sa isa akong mayaman... at may hitsurang nilalang kaya maraming kababaihan ang naghahabol sa akin. Hindi ko na rin kailangang maghanap pa, kundi, sila na mismo ang bumibigay sa kanilang sarili. Ngunit... marami ring balitang isa akong bakla dahil wala pang babaeng nagtagal sa akin. 

"Sir Mendes, nakarating na po tayo." Agad na gising ng drayber ko sa akin. Napatingin ako sa lugar. Nan dito na kami. Kadalasan, binibisita ko ang Massage Spa House na ito dahil sa babaeng hindi ko makuha-kuha. Maganda ang Massage Spa House. Malaking negosyo ito ngunit hindi siya masyadong kilala sa mga normal na tao lang. Kadalasan mga mayayamang kalalakihan, mga tagumpay na negosyante ang bumibisita dito dahil sa maganda at masinop nilang pakikitungo sa mga customer. Maganda rin ang mga handog nila sa mga kliyente lalo na kung sa pagmamasahe. 

"Hintayin mo ako dito." Utos ko muli kay Bruno bago lumabas sa sasakyan ko at pinaandar niyang pinarada sa naka-reserbang parking lot ng mga kustomer nila. Pagpasok ko sa Massage Spa House ay agad kong naamoy ang pamilyar na pabango niya sa akin. Nakaka-gaan sa pakiramdam na naamoy ko lang siya. Mayroong simpleng stilo ang Massage Spa House. Nahango ang struktura nito sa isang Japanese Inn at sa labas nito ay mga bamboo ang naka-paligid. 

"Magandang Hapon po, Sir Mendes. Yung usual po ba?" Agad na tanong ng babaeng nakasuot ng pulang Japanese Kimona Style ngunit mas kita sa dibdib ang suot nila. Maayos din ang mga buhok nila--- naka-bunete siya na stilo ng buhok. 

"Yes please." Pagkasagot ko ay may magandang ngiti sila habang tumango, senyales na maaari na akong pumunta sa room na kung saan nag-hihintay ang paborito kong masahista sa Spa nila. Nasa Singko siguro ang katauhan nila dito... at lahat ay single sa buhay. Kadalasan, ang Spa ay ginagawang lugar para magpamasahe... kung gusto mo ng espesyal, ay maaari rin ngunit mas malaki ang babayaran mo. When we say 'special' it means, may kasamang Sexual Intercourse. 

* * * 

Naka-handa na ako ng mga ilang minuto. Naka-higa na rin ako sa puting stretcher na ma-kutson habang may maliit na unan para sandigan at may puting maliit na twalya ang naka-takip sa may bahaging pigi ko. Nakadapa kasi ako ngayon at nakikinig ng mala-operang musika. Musika ni Bacht, Chopin Polonaise. Nakaka-lubay sa katawan kung gaano ka-drama at kalakas ang musika ng piano... parang mawawala ka sa sarili mo kung papakinggan mo. Sa kanang banda ko ay maliit na hot spring na kung saan nila pinapa-init ang mga batong ipapatong sa likod mo. May kasama rin itong haplos ng romantika kaya may makikita kang dahon ng bulaklak na rosas na nakakalat sa paligiran at may nakasinding kandilang pang-romantika. Ito 'yung klase ng kandilang habang nasindihan siya ay may bangong humahalimuyak sa kapaligiran mo. 

Maya-maya'y nakaramdam ako ng makinis, at mahabang daliring humaplos sa aking balikat. Agad na nagising ang aking kaluluwa at tumigin sa kanya. 

"Christine..." Mahina kong ani at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Naka-suot siya ng brassiere na puti... at naka-underwear lang din siya ng parang T-Back style. Napalunok ako kung gaano kabusog ang mga suso niya na parang nagmamakaawa ang mga itong makawala sa mahigit na yakap ng brassiere niya. Ang buhok niyang hanggang beywang niya ay nakalugay din ngayon at may bulaklak na rosas na naka-sagpit sa gilid ng tainga niya. Ngumiti siya sa akin habang may malanding tingin. Lumabas na naman ang kanyang mga biloy sa magkabilaang pisnge. 

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon