ENTRY #16: SIGE BY LUCLAV

1.3K 21 14
                                    

Title: SIGE
Author: LucLav
Genre: Adult Fiction
Date Submittes: August 27, 2016
Word Count: 1,998

STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

 Nanghihina ang tuhod ko habang dahan-dahang kinakain ng lupa ang ataul ng aking asawa. Gusto ko mang sumama pero hindi ko magawa. Ramdam ko sa bawat luhang umaagos mula sa kanilang mga mata ang kalungkutan at kirot sa pagkawala ng aking mahal. Wala pa sila sa kalingkingan ng aking nadarama. Dugo ang aking nais iluha para sa aking asawa, mismong puso’t dila ko kasama ng sa kanila ang aking iaalay para lang maibalik siya. Mas masarap sana ang katahimikan sa loob ng kwadradong iyon na ngayon ay tahanan na ng aking mahal, kaysa sa ingay ng hagulgol at iyakan ng mga taong ngayon lang ulit kami naalala. Gusto ko siyang makasama gaya ng ipinangako ko sa kanya. Diyos ko, isang pagkakataon pa sana.

Umalis na kami sa sementeryo at pagdating sa aming tirahan, kanya-kanyang paalam na ang binitawan ng bawat isa. Wala akong pakialam. Dumiretso ako sa aming kuwarto’t kinuha ang larawan ng aking asawa. Sobrang ganda niya. Kagigising niya lamang nito at kinuhaan ko na siya ng litrato. Nagulat pa nga siya sa flash ng kamera, at manganing-aning pa akong sampalin habang tumatawa. Luha nanaman ang naramdaman kong umukit sa aking mukha. Hindi ko pa din matanggap at sa tingin ko’y kailanman ay hindi ko talaga matatanggap. Walang kayang pumalit kay Amelia sa aking buhay. Sa puso ko siya ay nag-iisa.

Nakatulog ako habang yakap ang kanyang litrato. Mahihina’t sunod-sunod na katok sa pintuan ang aking narinig. Binuksan ko ang pinto at isang batang elementarya ang bumungad sa akin. Si Martha pala, ang aking bunsong anak.

“Kain na po tayo, papa. Nakapaghain na po si Ate Alyana. Kayo nalang po hinihintay namin.” Hinawakan niya ang aking kamay at hinatak patungong hapagkainan. Tinignan niya ako habang nakangiti mula sa kwarto at hindi niya ito inalis hanggang sa nakaupo ako.

Sabay-sabay kaming kumain. Walang nag-uusap, kanya-kanyang subo ng kanin at ulam. Lahat sila pinagmamasdan ko. Nakuha nilang lahat ang mata at labi ng kanilang ina, sa akin naman nagmula ang tangos ng kanilang mga ilong. Ang maputing kutis din ay namana nila kay Amelia. Nakuha naman ni Jerome ang hubog ng aking katawan noong kabataan ko pa, payat pero matangkad. Napapangiti na lamang ako sa aking mga nakikita. Napansin kong tila nakabihis pala pang-alis itong si Jerome.

“Pupunta nga pala ako sa bahay ng aking kabarkada. May kailangan lang akong gawin. Uuwi din ako mamaya, sandali lang ako.”

Hindi na ako sumagot dahil alam kong kahit ano ang sabihin ko, aalis at aalis pa din ang batang ‘to. Natapos ang pagkain at bumalik na ako sa aking silid. Pumasok na din sa kani-kanilang kwarto ang aking mga anak. Si Martha sa katabing kwarto ko at si Alyana naman, sa kwarto na nasa baba. Nasilip kong lumabas na din ng gate ang aking anak gamit ang kotseng regalo ko sa kanya.

Sinimulan ko na buksan at tunggain ang paborito kong alak. Binuksan ko na din ang telebisyon. Kapag problemado o nababagot kami ng aking asawa, dalawa kaming umiinom dito sa kwarto. Pinag-uusapan namin kung kamusta ang araw ng isa’t-isa. Pero paano na ngayong wala ka? Paano na ngayong ako na lamang mag-isa?

Lagi niya akong tinatawag na gwapo kapag malalasing na siya, at sumusuot sa sarili kong damit kapag nilalamig siya. Uutusan niya akong lakasan ang aircon, ganoon din ang bolyum ng telebisyon. Tititigan niya ako na parang may hinihingi, at magsisimulang maglambing. Hahalikan niya ako sa iba’t-ibang parte ng aking katawan kapag tinamaan na siya’t magsisimula na kaming maghubad ng damit ng bawat isa. Magsisimula lagi sa isang halik kasabay ng paglamas ko sa malusog niyang suso. Papatong na siya sa akin, pero hindi ko pa sa kanya ipapasok. Kapag nagsimula na akong sipsipin ang kanyang utong sasabayan niya naman ito ng pagtitikol sa aking ari. Ilang sandali lang ang hihintayin at hindi niya na matitiis. Hindi na din sapat ang paghawak lang, ikikiskis na niya ang kanyang kepay sa aking sandata para sabihin sa akin ito. Sa mga oras na ‘to, hihingi na siya ng pandagdag sa sarap na aming nadarama. Dalawa kaming tatanggap at makakaranas ng mas matinding ligaya sa kamay ng isa’t-isa.

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon