ENTRY #31: THE 90s KID BY DJ W. DAN

1.1K 27 6
                                    

Title: THE 90's KID
Author: Dj W. Dan
Genre: Suspense
Date Submitted: August 31, 2016
Word Count: 1,994

STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Narito na naman sila. Dadalhin na naman siya sa lugar na ‘yon! Doon kung saan matinding kirot ang babalot sa buo niyang katawan. Masakit. Nararamdaman ko ang paghihiarap niya.

Hindi niya kina-kaya ang hatid nitong hapdi. Hindi lalo na’t isa lang siyang bata. Umugong ang makina, namuti ang balat niya sa sobrang takot. Nagsimula silang magpahirap. Nanginginig ang buong katawan, sumisigaw siya. Paulit-ulit. Ang katawan niya’y kontrolado na ng takot. Nagmamakaawa ang mga mata niya ngunit walang pakialam ang mga taong ito.

“Tama na pakiusap!”

Mabilis akong napadilat. Buntong hininga ang kasunod ng paalis na takot. Kinikilabutan pa rin ako sa tuwing napapanaginipan ko ang eksenang ‘yon. Ni ang alalahanin, hindi kaya ng kalooban ko.

 Nang mabalik ako sa kamalayan, saka ko napansing iba ang paligid ko. Agad akong napabangon. Hindi ito ang kwarto ko. Pang-isang tao lang ang kama. Walang ibang tao ngunit bakas sa higaan na mayroon akong nakatabi.

“Birthday ko ngayon. Pwede mo ba ‘kong samahan, Marcus?” – si Johanna. Naalala ko na.

Inimbitahan niya akong mag-dinner sa bahay niya. Malambing at maganda si Johanna ngunit hindi ‘yon ang dahilan kung bakit ako pumayag. Ang totoo’y nag-aalangan akong samahan siya. Kakalipat niya pa lang noon sa lugar namin nang magsimula siyang magpakita ng interes sa akin. Madalas niya ‘kong dalhan ng mga luto niyang ulam at mga bini-bake na tinapay. Akala mo’y nanliligaw. Halos isang buwan na niyang ginagawa ‘yon pero, ewan ko ba. Hindi ko masuklian ang pagtingin niya para sa ‘kin. Hindi naman ako bakla dahil sa katunayan, may nangyari pa ‘ata sa amin kagabi.

Wala akong ibang iniisip no’n. Kakain lang kami, kwentuhan nang kaunti, tapos babalik na ‘ko sa bahay. Nag-alok siya ng wine pagtapos kumain at sa sala kami pum’westo. Matibay ako sa inuman kaya akala ko, hindi ako malalasing. Mali ako. Isang baso pa lang, tinamaan na agad ako.

            Hinalikan ako ni Johanna. Gasgas na sigurong dahilan na nadala lang ako ng kalasingan kaya’t pinalalim at pinaigting ko pa ang mga halik, pero yun talaga e. Nawalan ako ng kakayahang magpigil. Masarap siyang humalik. Masarap lalo na ang mga halik niyang may yapos pababa sa leeg at batok ko. Itinayo ako ni Johanna. Unti-unti, napaatras ako habang tinutulak niya ko ng halik. Muntik pa ‘kong mawalan ng balanse at nabangga ko ang picture frame sa side table.

“Sino ‘yan?” Ang natatawa kong tanong.

            Hindi ko na maalala ang sagot niya, gaya ng hindi ko na rin matandaan ang sumunod na nangyari. Mamamatay ako sa kaiisip kung hanggang saan kami nakaabot, kung anong ginawa ko sa kanya.

“Hay! Shit ka Marcus!” Subsob ang mukha sa palad, niyakap ako ng pagsisisi.

  “Good morning,” bati ng masiglang tinig.

            Walang duda, si Johanna ‘yon. Maganda ang ngiti niya. Pinilit kong ibalik ‘yon sa kanya nangiti kahit sa likod ng utak ko, pinapapak na ‘ko ng kunsensya.

“Hi, good morning,” sagot ko.

“Tara, breakfast.”

“Ha?”

Nabigla ako. Wala na kasi akong balak magtagal pa. Nangungulit siya pero todo tanggi pa rin ako.

“Pinag-bake pa naman kita,” malungkot niyang sabi.

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon