Title: KISS OF DEATH
Author: NyxWatty
Genre: General Fiction
Date Submittes: July 27, 2016
Word Count: 1,953STORY
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Mula sa aking silid ay tanaw ko ang pagpasok ng pamilyar na itim na Innova. Unti-unting sumibol ang pananabik sa aking dibdib.
Dali-dali akong bumaba at hindi ko na alintana kung gaano kanipis ang suot kong pantulog.
Dumiretso ako sa garahe ng mansyon at eksaktong pagdating ko ay ang paglabas ni Anton mula sa sasakyan.
Hindi pa rin maitatago ang kakisigan nito sa suot niyang uniporme.
"Anton.."
Sandaling nagtagpo ang aming mga mata. Gumala ang paningin n'ya sa kabuuan ko at ramdam ko ang bawat intensidad doon.
Ang mga tingin na pinupukol n'ya ay nagdudulot ng kiliti sa aking tiyan.
Humakbang ako at bago pa ako makalapit ay sinakop na ni Anton ang distansya namin sa isa't-isa.
Agad pumulupot ang braso n'ya sa bewang ko at sinimulan ang paghalik sa puno ng aking tenga.
"Sabik na sabik na ako sa'yo, Lira." bulong n'ya sa tenga ko at bahagyang kinagat ito.
Mahinang daing ang aking pinakawalan.
"Anton...h'wag dito..oohh" ang sasabihin ko ay kinain ng aking ungol dulot ng mumunting halik at pagdilang ginagawad ni Anton sa aking leeg.
Binaba n'ya ang strap ng suot kong nighties at lumandas iyon pababa ng aking katawan. Nanginginig na tinanggal ko ang butones ng suot n'yang polo.
"Akin ka lang, Lira. Akin lang." mariing sabi ni Anton habang patuloy sa pag-atake ng aking leeg.
"Sa iyo lang...ugh..ako"
Napatingala ako at bahagyang napaawang ang aking labi dahil sa pagdampi ng magaspang n'yang palad sa aking hubad na dibdib.
Tumaas ang kan'yang mga halik hanggang matagpuan ang labi ko. Mapupusok na halik ang binigay ni Anton sa akin at halos sakupin na n'ya ang buo ko.
Nanatili ang mga kamay ko sa kanyang likod at dinadama ang kakisigan nito habang ang kan'ya ay gumagala sa iba't-ibang parte ng aking katawan.
Impit na ungol ang kumawala sa aking bibig nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa aking pagkababae.
Ramdam ko ang pagporma ng ngisi sa kan'yang labi dahil sa reaksyon ko. Unti-unti ay ibinaba n'ya ang suot kong pang-ibaba.
"Anton..." ungol ko at muli ay sinakop n'ya ang aking mga labi.
Gumapang ang kamay n'ya sa pang-upo ko at marahang pinisil ito. Agad ko namang nakuha ang ibig nitong sabihin. Pinulupot ko ang binti ko sa bewang n'ya habang ang kamay n'ya ay nanatiling nasa pang-upo ko bilang suporta.
Napasinghap ako nang tumama ang hubad kong katawan sa malamig na metal. Tsaka ko lamang napagtanto na nakasandal na ako sa hood ng kotse.
Mas lalo n'yang idiniin ang sarili n'ya sa akin dahilan para maramdaman ko ang init ng kan'ya.
"Anton.." nagmamakaawa kong sabi.
Nanatili s'yang walang kibo at patuloy sa pagtutukso ng kan'ya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/74952406-288-k146768.jpg)