CHAPTER 23
LAREEN'S POV
Mataas na ang araw ng magising ako. Nagmamadali pa akong bumangon dahil kailangan kong makuha si Pia sa kabilang bahay. Sinuklay ko lang ng kamay ang buhok ko at nagmamadali na akong lumabas para pumunta kina Josephine.
"Good morning Reena!" nagulat ako sa bati ni Andoy na nagkakape sa labas ng pintuan nila. Kumaway lang ako at patakbong pumunta kina Josephine.
Nagulat ako ng naka-lock na ang pinto nila Josephine. Sisilipin ko sana sa bintana ng magsalita si Andoy. "Sinong hinahanap mo dyan?"
"Si Jo ba kanina pa umalis?"
Tumango si Andoy. "E nasaan si Pia?"
"Kasama raw ni Arkin sabi ni Mang Chris. Tulog pa kasi ako kanina kaya hindi ko namalayan nung umalis" sabi pa nito. Naglakad ako pabalik.
Bumuntong hininga ako. "Ba't ka kasi nalate ng gising?" mapang-asar ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Alam ko na, maaga na naman niya akong aasarin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Iniisip mo yung date niyo ngayon nung girlfriend ko no?" kumindat pa siya. Naihinto ko tuloy ang pagpihit sa doorknob ng pinto. "Reena"
"O ano?!"
"H'wag mong sasaktan yung girlfriend ko a? limited edition na yun" naging seryoso ang kaninang kwelang mukha niya.
Natigilan ako.
"At kahit anong mangyari, intindihin mo na lang siya"
"Ang hirap kaya niyang intindihin. Di mo maintindihan yung mood"
"Basta sana pagtiyagaan mo siya. Sa'yo ko lang kasi siya nakitang masaya, Reena"
Seryoso si Andoy kaya napilitan akong tumango. Lumapit siya at tinapik ako sa balikat. "Ligo na, ayaw nun ng pinaghihintay siya" sabi ni Andoy at pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila. Naiwan akong nakatayo.
Sa konting panahong magkasama kami ni Arkin sa lugar na 'to, feeling ko nagiging Andoy version 2 na ako. Nag-aalala na din ako sa kanya. Iniintindi ko na rin pag minsan medyo makitid ang isip niya. hinahabaan ko na rin ang pasensya ko para sa kanya. Iniiwasan ko din ang mga bagay na pwedeng ikagalit niya at kagaya ni Andoy, ayoko ring makitang nasasaktan siya. That man....is sooooo lucky to have people like Andoy.
Pagpasok ko sa bahay ay tumuloy ako sa banyo at binuksan ang gripo. Lumabas muna ako habang inaantay ang pagkapuno ng balde sa loob. Habang malayo pa sa pagkapuno ang balde dahil tuwing ganitong oras ay napaka-hina ng daloy ng tubig sa gripo dahil maraming gumagamit ay napagpasyahan kong pumunta muna sa kwarto para mamili ng susuotin.
Ito ang pinaka-unang labas namin na dalawa lang kami; walang Andoy o Pia. Napangiti ako. binuksan ko ang cabinet namin at naghanap ng isang simpleng dress. Yung hindi mukhang lola ni Lareen, yung medyo mapapantayan yung babaeng anak ng amo niya.
I pulled out a color beige floral dress. Ikukubli ko muna ng kaunti si Reena at hahayaang si Lareen ang makasama ni Arkin mamaya. Besides, naging good girl din naman si Lareen since lumipat siya sa Barangkal.
Huminga ako ng malalim at humarap ako sa salamin habang hawak ang dress. "Lareen, you deserve to be happy. Okay?"
Tumango tango ako habang sinasabi ko iyon sa sarili ko.
"Pwede na ba nating pagbigyan si Arkin?" sabi ko pa at napangiti ako. Pwede. He deserves it.
Akto kong ilalapag ang dress sa kama ng makarinig ako ng malakas na sigawan na nanggagaling sa labas.
Napatakbo ako at saktong kasabay ko si Andoy na nagbukas ng pinto. Nagkatinginan kami at sabay na tiningnan kung san galing ang ingay.
"Oh my gosh" napahawak ako sa bibig ko sa sobrang pagkabigla. Sobrang daming tao ang nasa may baba. Sobrang gulo. Nagkakaduruan at nagkakaambahan na. May mga taong naka-unipormeng itim na t-shirt ang pilit na sinisira ang mga tirahan sa baba. "Andoy, anong nangyayari?!!"
BINABASA MO ANG
MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
FanfictionDahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A princess will be treated like a commoner. Lareen was born to be the apple of everyone's eyes...until she meets ARKIN. Isang lalaking walang...