NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB

7.1K 171 24
                                    

NOL – CHAPTER 6 – NO ORDINARY JOB


LAREEN'S POV

Maaga kaming nagising ni Ate Madel para sa unang araw ko sa trabao. Napakiusapan na niya ang amo niyang ipapasok niya ako bilang isa sa mga katulong sa bahay nila. Oo katulong. Nung una parang ayoko pero may magagawa pa ba ako? Ito ang gusto ng Daddy kong maranasan ko, ang danasin ang pinakamahirap. Pero akala niya madali niya akong mapapasuko? Nagkakamali siya. I will prove to him na I can do it....

Nagtricycle lang kami papasok ng village na iyon at hinatid na lang ng guards papunta sa bahay na pagtatrabahuhan namin ni Ate Madel.

"Marunong kaba sa gawaing bahay?" tanong ni Mrs. Rodrigo habang nasa sala kami at iniinterview niya ako.

Tumango ako.

"Like what? Do you know how to cook? to wash clothes??"

Hindi ako makasagot.

"Marunong po siya Madame" sabi ni Ate Madel.

 Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Mukha kang walang alam" direcho niyang sabi. Grabe naman, ang Mommy ko naman hindi ganito mag interview ng katulong huh.

"Madame, please ho...kailangan ho kasi niya ng trabaho" sabi ni Ate Madel.

"Ito na lang Delia, tatanggapin ko siya pero once na pumalpak siya...tatanggalin ko kayong dalawa.. maliwanag?"

Napilitang tumango si Ate Madel. Itong matadang to!                 

"Manang Leonor, kayo na ang bahala sa bagong katulong" sabi ng masungit na amo at umalis na. May trabaho pa raw ito.

"Tara na Delia at Reena" aya ni Aling Leonor.

Nakatingin lang ako kay Ate Madel habang naghuhugas siya ng plato. Ako naman ay hawak ko lang ang  basahan at nagpupunas ng mesa.

"Baka gusto mong bilisan ang pagpupunas diyan? Pati yung hagdan lilinisin mo pa" sabi ng isang katulong din na kung umasta ay amo. Siya si Analyn. Payat na babaeng, mas maiksi pa ang uniforme sa apron na suot niya.

"Ah ako na ron" sabi ni Ate Madel.

"Huh? Bakit ikaw? Eh naghuhugas ka pa nga diyan eh, si Reena na dahil wala naman siyang ginagawa." Sabi pa nito.

Hindi ba talaga mauubos ang kontrabida sa mundo?

"Sige Auntie Delia, ako na lang" sabi ko at pumunta na ako sa may hagdan. OMG. Ang taas pala nito. Napalunok.

"Simulan mo na" sabi ni Analyn. Kanang kamay daw kasi ito ni Madame kaya parang akala mo kung sino makaasta.

Nakita kong naglabas si Ate Madel ng timba na may tubig  at sabon. Ng lumingon si Analyn sa direction ng mata ko ay madaling umalis si Ate Madel.

"San ka pupunta?"

"Kukuha lang ng timba, bakit gusto mo ikaw na?" tanong ko.

"Bilisan mo!" sabi niya. Badtrip to huh, akala mo kung sino? Mas matindi pa kay Manang Tomas eh.

Medyo mabigat ang timba kahit kalahati lang ang laman non, kaya parang natatapon pa ang tubig sa sahig.

"Ano ba yan Reena!! Para yan lang hindi mo makaya??" sigaw niya. Lord, grant me a patience yung mahaba haba po dahil konti na lang at mapapatulan ko na ang babaeng to.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon