NOL - CHAPTER 39

201 12 3
                                    

CHAPTER 39

LAREEN'S POV

Kakatapos ko lang mashower para maghanda ng matulog ng mapansin kong may malaki pala akong pasa sa braso dahil sa nangyari kanina. Wala namang masyadong nadaan na sasakyan doon kaya hindi ko rin alam kung paano kami nabunggo ng sasakyan na nasa likod. Yung mga tumatawid na bala, o kambing o kaya aso ay hindi na bago. Pero yung mga  absent-minded na driver? Ewan ko.

Lumapit ako sa side table at denial ang telepono namin sa baba.

"Ano po yon senyorita? Sagot ng isang kasambahay mula sa baba.

"Padala naman ho ng yelo dito sa kwarto. Salamat" sagot ko at binaba ko na ang telepono. May ice bag naman ako dito sa first aid kit sa CR kaya ako ng bahala dito sa pasang ito. Mahirap na, baka malaman pa ni Manang Tomas at maisumbong pa ko kina Mommy.

Ngayon, ayokong makadagdag pa sa isipin nila. Unconcious pa din ang Daddy at nasa cruise pa sila Ate kaya hindi pwedeng dumagdag pa ako. Ako na nga ang gumawa ng problema, palalakihin ko pa ba? Sa ngayon dapat kayanin ko. Nakaya ko nga ang challenge ng pagtira sa Barangkal e, ito pa?

"Pero Lareen, kasama mo non si Arkin. Kaya kinaya mo" sumbat ng utak ko at nasapo ko ang ulo ko. Si Arkin na naman ang nasa isip ko.

"Senyorita, andito na po yung hinihingi niyong yelo" tawag mula sa labas ng pinto. Tumayo ako at pinagbuksan siya. Hindi ko na siya pinapasok. Kinuha ko na lang ang yelo at sinara na rin agad ang pinto.

Inilagay ko ang ice bucket sa malapit na mesita at naglagay sa loob ng icebag. Medyo nilislis ko ang suot kong bathrobe atsinimulang idampi ang icebag sa kulay lilang parte ng balat ko. "Ouch"

Pagkatapos kong gawin iyon ay nagbihis na ako ng pantulog at umupo sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko at I dialled ate Lala's number.

"Hey, bunso! What's up?" masayang bungad ni Ate sa akin.

"Kamusta kayo dyan ni Mommy?"

"We are good. Mommy's sleeping already, Riri.

"It's okay. Wag mo na gisingin"

"Nga pala, inaya ko si Mommy magshopping bukas sa Greenbelt para naman maka-unwind siya"

Napangiti ako. Ate Lala is doing her best. Dapat ako din.

"Anong sabi ng Mom?"

"Ayaw pa nga niya nung una pero syempre mahihindian niya ba ako? HAHAH" she said and laughs. "Ikaw kamusta ka dyan? How's work?"

"I have found new friends. I mean, they still have no idea na anak ako ng Daddy pero mabait sila sa akin. Kasabay ko silang kumain pag lunch"

"Wow. I told you kaya mo e. Marami ka ng natututunan?"

"Oo. Maging pasensyosa at maging organized" sarcastic kong sagot.

She laughs even more. "Syempre you need to start from the bottom, Ri. But make sure that hindi lang yan ang ituro sayo ni Frank ha"

"Hindi ko nga alam kung hanggang kelan ako nasa ganito e. Hindi naman ako makaayaw kasi syempre, yari ako kay Ate Ren"

"Don't worry, next month andito na yon si Lorraine sungit. Maitetrain ka na ni Phil sa ibang bagay" sabi pa nito. "Hoe about the almost fiance?"

"Ha?"

"Nagkita na ba kayo ng almost-fiance-turned-into-Barangkal-lover mo?

I rolled my eyes.

"Hindi pa at hindi ko alam kung pa'no"

"Mas excited ako sa kwentong yon kesa sa trabaho mo, Riri" sabi niya at parang kinikilig na tumatawa.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon