NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR

15.5K 251 28
                                    

NOL - CHAPTER 1 – NO ORDINARY NEIGHBOR






LAREEN'S POV





Naglalakad ako sa isang napakalaking kapatagan. Isang lugar na napapaligiran ng berdeng damo at iba-ibang uri ng bulaklak. Lahat ng paborito kong bulaklak ay narito...Tulips, Carnations, Adelfa,........at marami pang iba. Lahat sila magaganda. Magkakaiba ng kulay, ng laki, ng anyo pero pare parehongg maganda. Hindi mabilang ang makukulay na paro parong naglalaro at paroo't parito sa mga bulaklak. Napakaganda ng lugar na ito, ito na marahil ang sinasabing paraiso. Yes, indeed this is a paradise.


Humiga ako sa kulay green na damuhan. Dama mo ang malamig at malambot na mga damong parang carpet sa likod mo. The sky is blue; the sunlight is good, hindi siya ganoon ka init sa balat kaya pwede kang magbabad sa ilalim nito, idagdag mo pa ang cool breeze of air from a high mountains afar. So solemn, bukod sa ingay na mula sa mga ibong nakadapo sa mga punong kahoy sa di kalayuan.

I can feel the warm embrace of nature. Every pain, sorrows and sadness can swept away by this place. Lahat lahat....feeling mo everything is fine. Everything is perfect.

Nakahiga ako ng meron palapit na puppy sa akin. Lumapit siya sa akin at nilalaro ang paa ko. Super cute ng puppy, hindi ko nga alam kung bakit hindi ako natatakot ngayon. I don't like any animals. My phobia na ako sa kahit na anong hayop . Nung bata kasi ako ay naiwan ako sa isang Zoo, fieldtrip namin non. It was dark there, tapos magisa lang ako. Nakakatakot talaga.

Hindi ko alam pero parang ang weird na ng nangyayari. Hindi na umaalis ang puppy....then I realized...na I was only dreaming.

Pinilit kong imulat ang mata ko ng dahan dahan. The blue sky changed into brown plywood. The humming birds ay napalitan ng ingay mula sa mga sasakyan sa labas. Yung cool breeze of air ay napalitang ng hangin mula sa nakatutok na electric fan, pero isa lang ang napansin ko. isa lang ang hindi nagbago sa panaginip na iyon. Yung puppy na nasa may paanan ko......at ang kaluskos nito sa paanan ko.

Pinilit kong silipin ang puppy.......walang puppy....pero nangilabot ako ng makita kong hindi pala cute na tuta...rather...it's a monster....

















Monster IPIS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





Walang ano ano'y napatayo ako. "Yuck!! Yuck!!! Yuck!!!!!!" sigaw ko. biglang lumipad ang ipis. Mas lalo akong natakot.

"Lareen?!" biglang pasok ni Ate Madel.

"Ate Madel!!! Yuck!! Help!!" patuloy kong sigaw habang tinuturo ang ipis na nasa may kama.

Sinubukan niyang paluin ang ipis pero hindi niya ito natatamaan.

"Yuckyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!" Tumakbo ako sa sala at sumampa sa sofa. Niyakap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang dalawang ipis na romoronda sa may sahig.

Nangingilabot ako sa takot. Pero mas natakot ako ng biglang may lumipad na ipis at dumapo sa may TV.

"Ate Madel!!!!!!" sigaw ko ulit.

Patakbo siyang lumabas ng kwarto.

"Pasesnya na Lareen, nagspray kasi ako ng Baygon eh...lalo palang naglabasan" sabi niya.

"Patayin mo yun!!!" tinuturo ko ang ipis na nasa ibabaw ng TV. Hinampas ni Ate Madel ng tsinelas niya pero sa kasamaang palad ay lumipad ito. Napailag din si Ate Madel. Oh noh...

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon