NOL - CHAPTER 25

1.2K 55 7
                                    

LAREEN'S POV

"When I got married di na rin ako dito titira?" yun yung sentimyento ko kay Ate Madel nung unang gabing di na namin kasama si Ate Lorraine sa bahay dahil kinasal na siya kay Kuya Philip. Nakaupo ako noon sa couch sa loob ng kwarto ko habang pinanonood ko si Ate Madel na magayos ng bedsheet.

"Syempre. Dapat itira ka ng mapapangasawa mo sa bago niyong bahay" sabi niya.

"Ha?! Ayoko! Gusto ko dito sa kwarto ko! Gusto ko dito sa bahay!" Humalukipkip ako. Hindi ako makapaniwalang dapat umalis ako sa bahay. "Dito kami dapat tumira!"

Huminto si Ate Madel habang hawak ang isang unan at pinapagpagan ito. Tiningnan niya ako. "Dapat lalake ang nagbabahay sa babae, Lareen. Hindi ikaw ang magdadala ng lalake dito kundi dapat ikaw ang magaadjust"

Padabog akong tumayo at nameywang. "Ayoko! This is my house and here's where I want to live forever!"

Ngumiti siya. "Luka luka ka talaga. Magbabago pa isip mo pag medyo tumanda ka kaya ngayon, matulog ka na muna"

Pinapwesto niya na ako sa kama. Pero imbis na mahiga ay naupo lang ako.

"So pag umalis kaming lahat, sinong kasama nila Dad at Mom magbreakfast? Sinong matutulog sa kwarto ko? Ha?"

I grab one of my pillow at niyakap ito. "So pati si Ate Lala aalis din pag nag-asawa na siya? E sino ng matutulog sa kwarto niya?"

Hindi sumasagot si Ate Madel.

"Why can't we just live here? Dami daming kwarto dito e. Lahat kami babae so meaning lahat kami aalis dito? Bakit hindi na lang dito kami tumira lahat?"

Umupo din siya sa kama. "Hindi ko alam basta ang alam ko, dapat matulog ka na dahil pag umikot si Manang Tomas mamaya at nahuli kang nagmamaktol ay pagalitan pa tayo pareho" inayos niya ang unan ko at humiga ako.

"Namimiss ko na si Ate Renren" sabi ko sa kanya habang nakahiga na. Inayos niya ang kumot ko at hinawakan ako sa ulo.

"Alam ko at mas lalala pa yan sa mga susunod na araw, kaya matulog ka na" sabi niya at pinatay na ang ilaw sa kwarto at ang liwanag lang mula sa malapit na lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

I  can still remember that night. That night na ang pagalis ng bahay ang pinaka-nakakatakot na bagay na pwedeng mangyari sa akin. Pero ngayon, yung pagbalik pala yung mas nakakatakot. Ngayon, yung makatakas sa aninong ng bahay na to yung gustong gusto kong gawin. Akala ko dati hindi ako mabubuhay pagumalis ako sa bahay na ito pero ang totoo, I found life mula ng umalis ako dito.

Unti unting bumukas ang malaking pinto at nagsimula akong maglakad papasok.

Wala namang nagbago sa bahay bukod sa mga kurtina mula ng umalis ako at dun sa feeling na hatid ng bahay kung san ako lumaki.

Dito nahubog ang pagkatao ko at sa pagalis ko dito, don naman nasubukan kung matibay ba ang pundasyon ko.

Nakahawak si Ate Madel sa braso ko at nanatili siyang nasa likod. Nakatayo lang kami at inaantay na lumabas sila Mommy mula sa kwarto nila.

"Gusto niyo ho ba ng maiinom, Senyorita?" Tanong ng isang katulong. Umiling ako. "Pababa na daw ho ang Senyor at Senyora. Maari po kayong maupo muna sa sofa" sabi niya at sinamahan kami sa living room.

Para akong bisita sa sarili kong bahay. Masakit sa kalooban.

Sumunod kami ni Ate Madel sa kanya at naupo sa sofa. Pareho kaming tahimik ng akala naming sila Dad na ang pumasok. Si Mrs . Tomas pala.

Kahit di ko tinitingnan si Ate Madel sa gilid ko ay halatang kabado siya.

"Mabuti naman at bumalik ka na, Lareen"
Hindi ako sumagot.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon