CHAPTER 14
NOL – NO ORDINARY SELOSAN
LAREEN'S POV
After kong kumain ng lunch na mag-isa ay nagdecide akong magpunta sa pwesto nila Samantha sa palengke at yayaing magbonding na lang kami sa bahay dalawa. Wala kasi akong cellphone kay kailangan ko pa siyang sunduin. Pumasada na sila Arkin at Andoy at si Pia naman ay nasa loob ng bahay kasama ng Lola niya.
Palabas na ako ng barangkal ng madaanan ko sila Aling Ising sa tindahan. As usual, usapang walang hanggan na naman. Binati nila ako ng dumaan ako.
"Reena, bukas na ang fiesta dito sa Barangkal....hindi ka dapat na mawawala huh?" sabi niya.
"Fiesta ho?? Sige ho" sabi ko.
"Naku Reena, aabot sa sintido mo ang pagkalasing dahil bumabaha ng alak dito pag fiesta... sanay ka bang uminom??" tanong naman ni Aling Merly.
Uminom? Actually hindi masyado . .
"Okay lang ho"
"San ba ang punta mo?" tanong ni Aling Ising.
"Sa palengke ko, kina Samantha"
"Ah, kina Philip? SIge magiingat ka" sabi na lang ni ALing Merly at umalis na ako.
Sumakay ako sa tricycle papuntang palengke. Ako pa lang ang pasahero kaya humihinto ito sa madaraanang tao. Nagulat ako ng sa pangalawang paghinto nito ay natapat ang tricycle sa isang kainan. Maraming mga taxi ang nakaparada sa lugar na iyon...at ng mapansin ko ay pati ang taxi ni Andoy eh naroon.
Matagal na nakahimpil ang tricycle dahil sa nagsusukli pa ang driver. Medyo sinilip ko kung naroon nga sina Arkin ng makita ko ang babaeng Christmas tree. Naglalakad at huminto sa lalakeng nakatalikod. Hinaplos ang likuran ng lalake at parang nangaakit. Hindi ko na sana papansinin ng makita ko si Andoy sa tabi ng lalakeng kulang na lang ay hubaran ng babaeng Christmas tree.
Di ako pwedeg magkamali... si Arkin to!
Nakuyom ko ang kamay ko. Medyo lumingon ang lalake at confirmed!
Si Arkin nga.
"Miss okay ka lang?" sabi ng tricycle driver. Napansin niya kasing halos ilabas ko na ang katawan ko. Actually, gusto kong sumugod at paguntigin sila ng babaeng yon.
"Sige na Kuya, iderecho mo na sa palengke...baka kasi may masaktan lang ako dito" sabi ko at umnadar na ang sasakyan.
Hindi man niya nakuha ang sinasabi ko ay itinuloy na lang niya ang pagdrive.
Mabigat ang paa kong tinungo ang pwesto nila Sam at swerte namang andon siya.
"Hi Ate Lareen" bati niya agad.
"Hi...Magandang araw ho Aling Berna..Mang Philip"
BINABASA MO ANG
MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
FanfictionDahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A princess will be treated like a commoner. Lareen was born to be the apple of everyone's eyes...until she meets ARKIN. Isang lalaking walang...