NOL - Chapter 32

60 0 0
                                    

LAREEN

"Lareen...Lareen..." marahang tawag ni Mrs. Tomas sa labas ng pinto ng kwarto.

It's Monday and today is my day-off! Why?!!!!!

"Lareen...Lareen" tuloy pa din siya sa pagising sa akin.

Pinilit kong ibukas ang mata ko at silipin ang oras sa wall clock nasa gawing kaliwa ng kama.

6:00 am.

Hinila ko pataas ang kumot at pilit na tinakpan ng unan ang tenga ko. Hustisya! Ilang araw na akong gumigising ng alas-5 ng madaling araw para pumasok sa trabaho. Kagabi pinatay ko pa ang alarm para sure akong di niya ako maiistorbo.

"Lareen..." tawag pa ulit niya. I know Mrs. Tomas, di yan titigil unless magsalita kang gising ka na. I lived with her at mula ng magkaisip ako ay ganito na siya.

"W-wala akong pasokkkkk" garal garal pa ang boses ko.

"Ni-remind ako ni Frank na may schedule ka sa atelier ng 9am ngayong araw" sagot niya.

Napabalikwas ako. Shocks. Bukas na pala ang Trade Launch.

"O-kaaaaaayyyy" mabigat sa loob kong sagot.

Dahandahan akong bumangon. Masakit ang buo kong binti. Ilang araw ko na itong iniinda dahil sa store at pag nakaduty ka ay wala ka naman talagang chance na makaupo at kung uupo ka man ay dapat magaling kang magtago.

Minsan na akong nahuli ni Mrs. Paras na umupo sa isang box ng mga delatang gatas na nasa may gilid ng shelves. Parang gusto niya akong patayin sa tingin tas pinatawag pa ako sa HR para iremind ang lahat ng policy in case daw na nakakalimutan ko.

Napakahigpit ng branch na yon akala mo naman keganda-ganda ng lugar.

"Arayyyy.."bahagya kong minasahe ang binti ko at dahandahang tumayo. "Malulumpo na ata akooooo" tuloy ako aa paghaplos sa binti kong nadadamitan ng kulay pink kong pajama.

Pagkababa ko ay handa na ang almusal ko. Umupo ako sa isang silya at nagsimulang kumain.

"Lareen, tumawag pala ang Senyora"

"Ano pong sabi? Gising na ba si Dad?"

"Tawagan mo na lang daw siya pagkatapos mong kumain. Hindi ka na pinaistorbo dahil alam niyang day-off mo ngayong araw"

"Salamat ho. Tawagan ko na lang siya mamaya"

Ilang araw na ang nakakalipas after ng operation ng Dad pero hindi pa rin siya nagigising. Kinakabahan kami sa kalagayan niya pero inassured naman daw ng mga Doctor sa Maynila na stable na ang lagay niya pero yun nga lang di pa siya nagigising kaya si Ate Lala at Mommy ay di pa rin makampante.

"Hi, Mom. Good morning!" Dala dala ko ang cellphone ko ay nagtungo ako sa veranda ng bahay at tinanaw ang napakalaking lupain sa labas ng Mansyon.

"Good morning, baby. Nakatulog ka ng maayos? How's your legs?"

"Namamanhid pa din ng konti. I thought I can sleep all day today, but I was wrong" sabi ko.

"Why?"

"I have an appointment with my designer. I have to check if okay na yung dress o may dapat pang i-adjust. You remember the trade launch I was telling you? Bukas ns yun e"

"Ah, right! Naiinggit nga ang Ate Lala mo dahil Masquerade daw pala ang theme ng Trade Launch this year. It sounds so fun and she'd wanted to go"

I frown. "I hope she can go with me, Mom. This is my first time to go alone sa ganitong event. Yay!"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon