NOL - Chapter 40

419 19 15
                                    

CHAPTER 40

LAREEN


Isang panibagong araw na naman bilang isang empleyado at ito na nga, ako na naman ang nauna sa quarters namin. Kahit minsan ay hindi pa ko nalate dahil masyadong mahihigpit ang bantay ko sa bahay at ayoko din namang may makakita pa sa aking bumaba ng van namin. Mas okay na ko sa ganito. Hindi naman masyadong marami ang namimili pag weekdays at hindi rin naman kahit weekends e kaya hindi ganon kastressful ang trabaho. Ang problema lang, bawal ka pa ding maabutang paupo-upo.

Palabas ako ng quarters ng maabutan si Jericho na nasa labas ng pinto at aaktong kakatok. Nagkagulatan pa kami.

"Ma-magandang umaga, Lareen" bati niya tas inabot ang isang sandwich mula sa likuran niya. Dahan dahan ko itong inabot at nagmadali na siyang umalis. Hinabol ko na lang siya ng tanaw. "Salamat" bulong ko at bumalik na muna sa quarters.

Maya-maya ay dumating na si Betty at Janine. "Oh, hati na lang kayo, isa lang yan e" inabot ko kay Betty ang sandwich. Busog din kasi ako at hindi naman ako pwedeng umalis na hindi nagaalmusal.

"Wow. May pasandwich ka ha" nakangiting sabi ni Betty. Nagkibit balikako at tumayo na uli. Medyo dumadami na rin kasi ang tauhan at nagdatingan na ang ibang mga kahera. "Mauna na ko sa inyo sa loob ha" sabi ko at kumaway na lang ang dalawa. Magmamake up pa kasi yon si Betty.

Umikot ako sa mga gondola's para magcheck ng price tags kung meron ng napansin ko ang isang kahon ng tsokolate nasa maling lagayan. Nasa aisle ako ng mga sardinas. Anong ginagaw nito dito?

Palapit ako ng mapansin kong nakabukas ang karton. Naghehesitate akong hawakan dahil baka may daga or kung anong may buhay ang nasa loon nito. Pero nung may nakita akong supervisor na dumaan ay dali dali ko na itong kinuha.

Grabeng mga customers to. Kung sino man ang nagbukas nito ay walang puso. Hindi ba niya alam na sisingilin ito sa amin? Pano kung katulad ko lang si Betty o Janine? Sayang yung pera nila sa pagkaing hindi naman nila binili at napakinabangan.

Pababayaran ko na lang kay Mang Hector mamaya. Mukha pa namang mahal yung binuksang tsokolate tapos inilagay pa sa shelf ng sardinas. Isasara ko na sana ang kahon ng may makita akong papel na nakdikit sa likod ng box.

I opened it.

" "

Kumunot ang noo ko. I am certain that this is a Spanish words pero di ko alam ang meaning at hindi nga nagtagal ay nakita kong may nagvandal sa isang delata na malapit sa pinaglagyan ng box. "Don't worry, I am a" yung sinulat gamit ang marker sa tabi ng "Spanish Sardines". Is there anyone trying to play pun on me? Nakakainis. Kakaayos ko lang nito bago ako umuwi kagabi.

I read it again.

"Don't worry, I am a Spanish sardines?"

Kumunot ang noo ko.

Napakamot ako sa ulo at luminga linga. Masyado pang maaga para sa mga batang customers na kung hinid magikot ikot diot ay nagagawa pang magshoplift. Parang halos kakabukas lang din ng store at parang dadalawa pa lang yung nakita konng pumasok para mamili.

Umikot pa ako ng isang aisle ng may malaglag na isang pack ng chichirya mula sa lagayan ng noodles. Pinulot ko at nasigurado kong someone's playing on me. Sabi sa pack "NOVA-dy will replace you". Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis dahil dagdag sa trabaho to.

Padabog akong pupunta ng office para ireport ang dalawang hawak ko ng makita ko sa dulo ng aisle ang taong laman ng puso ko. Parang huminto ang mundo ko.

Huminto ang mundo ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na parang gustong tumalon ng puso ko at takbuhin ang lalaking nasa kabilang dulo.

Bukod sa maayos niyang pananamit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon