Lareen
Maaga pa lang ay nasa ospital na kami ulit ni Mommy. Looking at Mom feeling ko di siya nakatulog buong magdamag. Medyo nakarecover naman ako sa pagod dahil kahit papaano ay nakatulog ako kagabi. Nakakamiss din ang malambot na kama.
"Mom, uuwi na muna kami ni Phil but promised me na sasabihan mo ko kung may update na kay Dad, okay?"
No wonder ganyan magalala si Ate kay Dad. She is the favorite daughter. Why?
Ate Lorraine is the eldest.
Magkamukha sila ni Dad.
Last but not the least, successful ang fix marriage niya."Promise me that you'll tell me everything"
Tumango na lang si Mommy. "Wag ka ng mag-alala. Asikasuhin mo muna ang mga bata. Lareen is here naman to help me"
She rolled her eyes sa pagkakasabi ni Mommy sa pangalan ko. "Phil decided na hindi na muna papasok sa office kaya siya na muna ang bahala sa mga bata. I'll be back once naprepare ko na si Keisha sa school"
"Rest, Lorraine" hinawakan ni Mommy ang mukha ni Ate. " Phil, please make sure that Renren will get a sleep, okay?" Baling ni Mommy kay Kuya Phil.
"Yes Ma" Kuya Phil nods.
"Magpahinga ka sa inyo. Stable naman ang lagay ng Dad mo. Yung paglipat niya lang sa Manila yung inaantay natin. "
"Pero iinform mo ko a, Mommy? Call me or text basta inform mo ko agad" ani Ate.
Umiwas na ako ng tingin. Ate is making me feel so guilty. Or naguiguilty lang talaga ako? Hindi ko alam.
"Yes, darling" Mom knows Ate kaya pumayag na siya.
"By the way Mom, sinong kasama mo pa Manila? Phil and I have a cruise next week. " nameywang siya. Excuse me, Ate! I am here! Gusto kong isigaw sa mukha niya.
"We can cancel it, Honey" suggestion ni Kuya Phil. Tumingin sa kanya si Ate.
"No! No! Don't do that. Matagal niyo ng plano yan and besides, Lareen is here naman para samahan ako. Diba anak?" Baling ni Mommy sa akin.
Tatango na sana ako ng magsalita ulit is Ate. "She can't, Mom"
Natigilan kami ni Mommy.
She took a deep breath and continued "She'll take charge of whatever work Dad has left. Importante kay Dad ang business niya at hindi pwedeng walang magmanage nito. I heard may mga urgent social gatherings si Dad next week. I'll check his schedule from his secretary para makita natin ng complete yung mga appointments niya"
Wait, What?! Tama ba narinig ko?
"Ren, please not Lareen. She doesn't know anything about the business. Maybe, we can ask your Tito Greg to take over muna habang nagpapagaling ang Dad mo"
"Ma, Tito Greg is currently in New York. May business conference na inattendan. I don't think he can come home as early as possible to attend some of Dad's urgent appointments; and besides he has a company to manage too. Dad needs how long? months? A year? For him to be fully recovered? We don't know, right?" He glanced at Ate Ren then back to Mom then me.
"What we need now is someone who will manage ng mas matagal dito. " sagot ni Kuya Phil.
"How about Frank?" Ani Mommy.
I dunno who Frank is.
"I don't trust that Frank, Mom. I know he's with the company for about a year now but hindi ko talaga siya pinagkakatiwalaan. Mag-aalala lang si Dad lalo kung hahayaan nating ibang tao ang magmanage ng company habang nagpapagaling siya. Remember, hindi siya pwedeng magworry; it will worsten his condition. "
BINABASA MO ANG
MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
FanfictionDahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A princess will be treated like a commoner. Lareen was born to be the apple of everyone's eyes...until she meets ARKIN. Isang lalaking walang...