NOL – CHAPTER 13 – NO ORDINARY HEARTBEATS
LAREEN'S POV
Hindi ako makatulog. Kanina pa nakahiga si Ate Madel pero ako gising pati diwa. Tumayo ako para kumuha ng tubig. Pagkakuha ko ng tubig ay narinig ko ang pagakyat ni Andoy. Sumilip ako sa may bintana. Dala dala ni Andoy si Arkin. Lasing na lasing ito.
Akay akay niya si Arkin. Nang mapansin kong babagsak sila ay madali akong lumabas.
"Reena" sabi ni Andoy.
"Akin na yung susi ng kwarto niyo. Ako na magbubukas" sabi ko at madali naman niya itong ibinigay sa akin.
Binuksan ko ang kwarto nila at pinasok na niya ang walang malay na si Arkin.
"Iinom inom hindi naman pala sanay" sabi ko habang inihihiga ni Andoy si Arkin sa sofa.
"Reena, bantayan mo nga muna siya. Kukuha lang ako ng tubig at tuwalya" sabi niya. nakatayo lang ako sa tapat ni Arkin.
Gumalaw si Arkin. Humilig siya pakaliwa dahilan para mahulog ang isa niyang kamay. Inayos ko siya. Gumalaw ulit at nalaglag naman ang isang paa. Napapikit ako.
"Wag ka ngang malikot" sabi ko na parang naririnig ako. Medyo mabigat huh. Pabalik na ako sa kinatatayuan ko ng matumba ako sa kanya dahil hinila niya ako.
I can feel his heartbeat. Parang nawala yung akin, parang feeling ko napalitan na ng heartbeat ang tunog ng buong barangkal. Para akong nabibingi. My entire weight eh nasa kanya. I can feel his hot breath sa leeg ko. I am frozen. Ewan ko...
"Reena anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Andoy. Naabutan niya ang posisyon ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagdating ni Andoy.
"Andoy tanggalin mo nga yung kamay ni Arkin sa likod ko para makatayo ako" sabi ko at madali naman niyang tinanggal.
Nang tuluyan na akong nakakawala ay tumayo na ako.
"Akala ko pinagsasamantalahan mo ang kaibigan ko eh" sabi niya na natatawa.
"Excuse me??"
"Joke lang" sabi niya.
"Napakaswerte ng babaeng mamahalin nitong kaibigan ko" sabi niya sabay kuha ng basin na may tubig at nagsimula niyang punasan si Arkin. Ang awkward kasi pareho silang lalake at kung hindi ko lang talaga silang dalawa kilala eh sasabihin kong bakla ang isa sa kanila.
"Ako na nga" sabi ko at kinuha ko ang towel sa kanya. Tumayo siya at pumalit ako sa kinauupuan niya. Hindi ko lang talaga matake ang view. Ang pagpunas ni Andoy kay Arkin...yuck!
"Si Arkin na ang lalakeng pinakamabait na nakilala ko" pagpapatuloy niya. Hindi ako nagsasalita.
"Bagay kayo" sabi ni Andoy.
"Sira"
"O kung ayaw mo eh di tayo na lang" sabi niya. Tumawa ako. "O diba mas masagwa?" sabi niya at tumawa siya.
"Hindi ba siya sanay uminom?" tanong ko habang hinahaplos ko ng basang bimpo ang mukha niya. Gwapo siya. I mean, napakagwapo. Matangos na ilong, malalim na mata at makakapal na kilay. Mahaba din ang pilik mata niya. Parang gusto kong bitawan ang bimpo at hayaang dumampi sa mukha niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
FanfictionDahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A princess will be treated like a commoner. Lareen was born to be the apple of everyone's eyes...until she meets ARKIN. Isang lalaking walang...