CHAPTER 10 – NO ORDINARY EXPERIENCE
Lareen's POV
Kakatapos ko lang maligo ulit. Naghahanda na ako sa pagalis namin nila Andoy. Nasa harap ako ng salamin ng may kumatok na.
"Reena..." mahina niyang sabi. Inipit ko ang buhok ko dahil medyo mainit ang panahon at syempre hindi ko nalimutan ang salamin ko. Naglagay ako ng pabango at dali daling lumabas ng pinto.
"Sorry sa pagintay" sabi ko. nakangiti lang si Andoy na nakasandal sa gilid ng pinto. Missing in action naman si Arkin.
Palinga linga ako ng magsalita si Andoy "Ayun yung hinahanap mo oh" sabi niya at ngumuso. Sinundan ko ang nginuso niya at nakita ko si Arkin na nakikipaglaro kay Pia. Siya naman ang customer ni Pia.
"Hindi ko naman siya hinahanap eh" sabi ko.
"Tara na" sabi na lang ni Andoy at nagpipigil ng tawa. Inilock ko na muna ang pinto at naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ni Arkin na tuwang tuwang nakikipagkwentuhan kay Pia. Giliw na giliw siya sa bata, sabagay napakadaldal kasi ni Pia kaya kahit sino ay matutuwa sa kanya.
"Arkin, tara na" aya ni Andoy. "Pia... pwede bang makainom si Kuya Andoy?" sabi ni Andoy kay Pia at lumapit doon. Inabutan naman siya ni Pia ng baso. Si Arkin naman ay bahagya pang ginulo ang buhok ni Pia bago tumayo.
Pagtayo ni Arkin ay tumingin siya sa akin. Parang nanuyo ang lalamunan ko ng tingnan niyo ako mula ulo hanggang paa. Pero iba nung nakatinginan na kami. Alam mo yung parang kamakawala yung kaluluwa mo sa sarili mo? Parang ganon. His dark eyes, wala akong makitang emotion pero parang hindi ako makagalaw sa titig na yon. Lareen... anong feeling mo? Seventeen ka???
"Ahem" bumalik lang siguro ako sa katawan ko ng biglang sumingit si Andoy. "Ano to tunawan??" sabi niya at nagtatawa.
"Tara na" sabi lang ni Arkin at nagpatiuna.
I pouted at Andoy at sumunod narin siya kay Arkin, ako naman ay nagpaalam pa muna kay Pia.
"Pia, pumasok ka na sa bahay nyo mamaya huh?" bilin ko sa kanya.
Tumango siya. "Ate magdedate po kayo ni Kuya Arkin?" tanong niya.
Medyo shocked, Pia is only four or five years old lang.
"Hmm?? San mo nakukuha yang ganyan???" tanong ko. Ngumiti lang siya.
"Mag-enjoy po kayo" sabi niya. Napailing na lang ako at umalis na rin.
Byahe ng taxi na pinapasada ni Arkin ay pumunta na kami sa Luneta. Nasa backseat ako nakaupo kanina, parang feeling ko kasi anytime kakagatin ako ni Arkin eh. Lagi na lang siyang walang ka emoemosyon, nakakatakot, feeling ko tuloy napipilitan lang syang ipasyal ako.
Nang makapagpark kami ay pinagbuksan ako ni Andoy ng pintuan.
"Salamat" sabi ko.
Hindi ko inakalang may ganito palang lugar sa Maynila. Iba kasi ang pagkakakilala ko sa MAynila, akala ko puro lang mga building sa sobrang taas at mga bahay ang meron dito, yon pala ay meron din ganitong malaking park.
Nasa likuran namin ni Andoy si Arkin. Si Ando yang naging tourist guide ko. "Yon ang Monumento ni Rizal" sabay turo sa monument.
"Pero wag muna don, dito na muna tayo sa mapa ng Pilipinas" sabi niya at dinala ako sa akala ko fishpond.
BINABASA MO ANG
MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
FanfictionDahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A princess will be treated like a commoner. Lareen was born to be the apple of everyone's eyes...until she meets ARKIN. Isang lalaking walang...