NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT

7.3K 163 8
                                    

NOL – CHAPTER 5 – NO ORDINARY ENVIRONMENT



LAREEN'S POV

Magaalas dose na pero wala pa si Ate Madel. Medyo nagugutom na rin ako kaya nagpunta ako sa kusina para tingnan kung anong makakain ko don. May itlog, pancit canton at rice pero hindi pa luto. Sumasakit na ang tiyan ko, bakit ba kasi wala pa si Ate Madel?

Lareen...puro ka na lang Ate Madel! Ate Madel nagugutom ako, Ate Madel natatakot ako, Ate Madel palaba nito ganyan....pano ka matututo kung lagi kang aasa kay Ate Madel huh?! Sermon ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa kusina para ipagluto ang sarili ko. kinuha ko ang itlog at pancit canton, marunong naman akong magbasa kaya kaya ko to.

Binuksan ko ang stove at inilagay ang casserole with water at pumunta muna ako sa kwarto habang naghihintay na kumulo ang tubig.

Hindi niya nahalatang nagpapanggap lang ako. Ngumiti ako. Hindi ko namamalayang napahiga na pala ako. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kagabi kaya parang inaaktok ako ng konti. Malamang matagal pa naman kumulo ang tubig.

Nagulat ako ng mapunta ako sa isang mall, shopping to the max. Kinuha ko lahat ng damit na gusto ko. bags, shoes, accessories...everything. Isinukat ko lahat ng mga bago at super enjoy na enjoy ng biglang may maamoy akong something...may usok.......

Napabalikwas ako sa kama. OMG...nakatulog ako. Madali akong lumabas ng kwarto ng makita kong halos masunog na ang kaserola. Tuyo na ito, naging water vapor na lahat ng pinapakulo kong tubig.

Nagpapanic ako....anong gagawin ko???? pabalik balik lang ako ng sa wakas ay dumating na si Ate Madel. Sobrang gulat na gulat siya sa nadatnan niya.

"LAREEN!?!?" sigaw niya papasok. Binitawan niya ang bag niya at madaling kumuha ng tubig at binuhos sa umaapoy na kaserola.  Nanginginig ako sa takot. Ilang buhos pa bago namatay ang apoy.

Niyakap ako ni Ate Madel. Tulala pa rin ako.

"Sorry....... sorry" naiiyak kong sabi.

"Tama na...... tama na Lareen" sabi niya. ganyan palagi si Ate Madel, sa tuwing may nagagawa akong mali niyayakap niya lang ako palagi at sasabihing okay lang yan.

"Sorry Ate... nagugutom na kasi ako eh... sorry" umiiyak na ako.

"Okay lang yan...pero sa susunod wag mo ng gagawin yan huh? Hintayin mo ako" sabi niya. naupo kami sa sofa.

"Paano ko makakaya? Kung wala akong kayang gawin mag-isa?" tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata ni Ate Madel ang awa.

"Matututunan mo rin...wag kang magmadali, Lareen" sabi niya.

"Ate Madel? Wag kang magsasawa sa akin huh?? Hindi ko pa kaya mag-isa" sabi ko at niyakap ko ulit siya.

"Pero pano yan may trabaho na ako? Pano ka dito??"

"Isama mo na lang ako don, magtatrabaho din ako" sabi ko.

"Lareen –

"Diba kaya ko naman? Para matuto na din ako...please???"

Nagiisip siya.

"Please?"

"Iniisip ko nga rin eh, sa nangyari ngayon parang natatakot akong iwan kang mag-isa.Sige it-try kong sabihin sa amo ko" sabi niya.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon