NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL

7.4K 170 15
                                    

NOL – CHAPTER 3 – NO ORDINARY DEAL





LAREEN'S POV

That escape happened a year ago. One year akong nagtago sa states sa takot na kaladkarin ako ng Tatay ko pauwi ng Pilipinas at piliting ipakasal sa lalakeng sa pangalan ko lang kilala. I look around to the four corners of the house na nirentahan namin ni Ate Madel. Simpleng buhay....

After a year mula nung naglayas ako ay bumalik ako sa Pilipinas, akala ko magiging okay na ang lahat pero halos palayasin ako ng Daddy ko nung makita ako. Suwail daw akong anak at sayang lang ang pagpapaaral niya sa akin dahil hindi ko siya sinusunod.

"How dare you run away Lareen? How dare you?!!" sigaw niya sa akin. Pagkagaling ko sa airport ay dumirecho na ako sa bahay dahil ang sabi ay may sakit raw si Mommy, pero wala naman pala. Tahimik ang buong kabahayan. Si Daddy lang ang nagsasalita. Pati si Mommy ay walang magawa.

Nakayuko ako habang nakaupo sa sofa.

"Pinahiya mo ako sa mga bisita nung gabing iyon! Halos iurong nila ang merging dahil sa kahihiyang ginawa mo!!" sigaw pa niya.

"Leonardo tama na..."sabi ni Mom

"You run away na parang napakasama kong ama???? Anong gusto mong ipalabas sa mga tao, na ako na ama mo ang magpapahamak sa'yo??? I expect a lot from you Lareen, and you're such a disappointment to me!"

Masakit ang mga salita niya. Words na hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanya.

"D-dad...I am so-sorry.." utal utal kong sabi

"Sorry??? The damage has been done Lareen! Ikaw lang ang sumuway sa akin!!! Ikaw lang!!" sigaw pa niya. Nanginginig ako sa takot. My Dad never scolded me like this before. Pero mula nung dumaan ako sa bintana at talunin ko ang mataas na pader ay inihanda ko na ang sarili ko sa matinding galit ni Daddy. Nagulat lang talaga ako na sobra pala ang galit niya. Sobra sobra at halos hindi niya ako mapatawad.

"Mula nung umalis ka, parang sinabi mo na ring hindi mo na ako kailangan!" sabi pa niya.

"D-dad, I have dreams.....I want a life of my own...at ayokong ikasal sa lalakeng hindi ko mahal" naiiyak kong sabi at aaktong hahawakan siya kaso hinawi niya ang kamayo ko

"So gusto mong ipamukha saking hinahadlangan ko ang mga pangarap mo?! Binastos mo ako Lareen! Bilang ama, nabastos ako sa ginawa mong paglayas sa mismong birthday mo pa! Hindi mo alam kung gaanong kahihiyan Lareen...hindi mo alam!" sabi niay sabay suntok sa lamesa.

"Leonardo...stop it...." Sabi ni Mommy.

"Dad, ayokong magpakasal sa kanya....ayoko po..."

"Arnulfo Montemayor is a good man. Why don't you look at your Ate Lorraine, she - -

"What about ate Laarni Dad??" I interrupted him. "What about her? Hindi siya masaya....Dad"

"Sige gumaya ka sa Ate Laarni mo ngayon na nakipaghiwalay sa asawa niya at nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa Amerika. Kung hindi siya nakipaghiwalay, hindi siya nahihirapan ngayon!" sigaw niya.

"Dad! Nakipaghiwalay siya dahil hindi siya masaya!!" sabi ko.

Hindi sumagot si Daddy.

"I just want a life na I have a choice....Dad....please....I am really sorry..."

"Yeah...a life of your own! A life without help...so patunayan mong kaya mo!"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon