NOL - CHAPTER 24

1.6K 61 3
                                    

LAREEN'S POV

"Lareen! Are you excited for the outreach?" Pabiglang umupo si Vivian sa tabi ko habang hawak-hawak pa ang mga gamit niya. "Everyone is so excited na dahil we are going to Pahik!"

She looks so excited. Sino bang hindi maeexcite? Dahil all girls ang school na 'to at napaka exclusive pa ay limited lang talaga ang paglabas labas namin. Pahik is one of the remote areas here in Milagros.
Dahil Grade 10 na kami ay inallow na ng school na mag-outreach ang buong Grade 10 students.

"Na-announce na ba yan? Sure na ba?" Itinigil ko muna ang pagbabasa. Kahit na kailangan kong magreview ay inintindi ko muna si Vivian. Wala din naman akong choice e, di ko rin siya mapipigil na magsalita. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya sa upuang nasa kanan ko.

"Sabi ni Eya nakita na daw niya yung waiver kanina sa table ni Ms. Gomez" malaki ang pagkakangiti niya. "Alam mo dapat magmall tayo para bumili ng susuotin" sabi niya at tumayo sa harap ko at nameywang.

"Let's buy sneakers! Yung pareho para cute"

"What?!" Matalim ko siyang tiningnan.

"No more objection, Lareen. I'm gonna ask Eya din para terno tayong tatlo, okay?" Sabi niya at hindi na ako hinayaan oang makapagsalita. Naglakad na siya para lumabas ng classroom at puntahan si Eya.

Outreach? Syempre lahat excited except kay Lareen Castillo. Never akong nakasama sa mga fieldtrips na ang palagi lang namang destinasyon ay ang mga museum at park na talagang pinapasara para sa school namin. Never akong nakaalis ng bahay namin na hindi kasama ang yaya ko, bodyguards o family ko.

Hindi naman sa hindi ako pinapayagan ng Dad ko. My Dad just won't allow me to go ang have fun with my friends or do some school stuffs outside school  without someone na "mapagkakatiwalaan niya". He will let me but it will always come with many conditions. So to save myself from shame and discrimination from other people, I always choose not to go.

But this time, it is different. It is an outreach. Pupunta kami sa isang lugar to somehow share with them our little blessings and learn something from them. May matutunan naman siguro ako at alam kong it will pleased Dad na malaman niyang I have a heart to help people.

"Baka payagan naman ako" I told myself.

Kaya nung pumasok na si Ms. Gomez to distribute the waivers ay naexcite akong makita pati ang schedule namin buong araw.

"Sobrang cool nito" pabulong ni Eya sa kaliwa ko. Nakatitig siya sa schedule at halatang sobra siyang excited katulad narin ng iba kong classmates.

Huminga ako ng malalim at binasa din ito.

"Ms. Castillo, I hope this time you can come na" ngumiti si Ms. Gomez. She knows my parents at sa pagkakasabi niya nito ay alam kong pareho kami ng iniisip. Tumango ako sa kanya.

"Ano ba yang hawak hawak mong papel at hindi mo mabitawan?" Tanong ni Ate Madel habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi sa Mansyon.

Tumingin lang ako sa kanya. "Akin na at ilalagay ko sa bag mo para hindi mawala" kukunin niya ito ng iiwas ko.

"Wag na, baka lalong mawala e" sagot ko at napakamot siya sa ulo. Itinuon ko ang paningin ko sa labas. Medyo maulan ang panahon ngayon sa Milagros.

"Ate nakapunta ka na sa Pahik?" Tanong ko ng hindi man lang siya tinitingnan.

"Di pa pero ang alam ko sobrang hirap dun e." Sabi niya.

"Anong hirap?"

"Wala pa daw kuryente tas yung mga bahay nila hindi maayos. Bakit pupunta ka? Yang waiver ba para yan dun?"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon