NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY

7.3K 189 36
                                    


NOL – CHAPTER 8 – NO ORDINARY GUY

LAREEN'S POV


"Lareen ikaw ang nag-igib ng tubig natin sa banyo?" tanong ni Ate Madel sa akin. Dahil Sabado ngayon at wala naman kaming pasok sa mga Rodrigo. Nanunuod ako ng TV nung dumating siya.


Umiling ako.


"Sino? May pinag-igib ka? Magkano binayad mo?" tanong niya habang hinahanda ang pananghalian.

"Hindi ako nag-igib at lalong lalo ng hindi ako nagpa-igib. Kusa nila akong inigiban" sabi ko.

"Nila??"

Nginuso ko ang kabilang kwarto.

Napataas lang ang kilay ni Ate Madel na parang nagtatanong na "Anong meron?" ako naman ay nagkibit balikat lang.

"Lareen, siya nga pala nakasalubong ko si Samantha, yung anak nila Manang Berna at Mang Philip?"

"Yung sa palengke?"

"Oo. Kinakamusta ka"

"Ah. Ang bait non no?"

"Oo. Mukha pang masunuring bata"

"Sana nga maging magkaibigan kami eh"

"Bakit hindi? Lareen hangga't hindi mo hinahayaan makihalo sa mga tao dito hindi mo mararanasan ang tunay na buhay nila. Sabi pa nga ni Sam, minsan daw dumalaw ka sa Palengke"

"Subukan ko" sabi ko.

Palabas siya ng bahay ng tawagin ko siya.

"San ka pupunta?"

"Bibili ng softdrink sa tindahan"

"Ako na"

"Huh?"

"Pano ako matututo kung lagi lang akong nakaupo dito?"

She rolled her eyes.

"Okay. Oh!" sabi niya at binigay ang pera sa akin.

Pagkaabot ni Ate Madel sa akin ng pera ay lumabas na ako ng bahay. Dumirecho ako sa tindahan nila Aling Mildred. Wala na ang truck ng tubig.

"Hi Reena" bati ng ibang mga kananayan na nakatambay doon. "Magandang araw ho"  they look all nice. Namimiss ko tuloy ang Mommy ko.

"Aling Mildred pabili ho ng softdrinks.. yung 1 liter po" sabi ko.

Pagkaabot ko ng bayad ay umalis ng saglit si Aling Mildred para kunin ang binibili ko.  naupo muna ako saglit sa habang inaatay ko si Manang Mildred.

"Reena, mukha kang mayaman" sabi  nung isa. Ngumiti lang ako. "Ay oo nga pala ako si Ising, diyan lang ako nakatira tapos ito naman si Merly" pakilala nila.

"Hi po" sagot ko. Hindi ko na pinansin ang una niyang sinabi. Nakaupo ako at nakikipagusap kina Aling ising nang marinig ko ang mga batang nagtatawanan. Tumingin ako sa gawi nila ng makita ko si Arkin.

Pinagkakaguluhan siya ng mga bata.

"Napakabait niyang si Arkin. Mahal na mahal ang mga bata, nasasanay na nga ang mga iyan na pagdumating siya galing sa pagpasada eh may pasalubong sila" sabi ni Alig Merly.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon