Chapter 18

2K 57 14
                                    


CHAPTER 18

LAREEN'S POV

Pareho kaming nakatahimik sa loob ng taxi niya sa paghatid niya sa akin pauwi ng Barangkal. Parehong nakatingin sa unahan at hindi nagsasalita. Letting our heart beats ang breathing do the talking. He said, he loves me. "Mahal na yata kita" yun ang tamang word. Umiikot ikot yon sa utak ko at nagiging magandang melody sa utak ko. "Mahal na yata kita". Napagiti ako. Yung lalakeng inaakala kong takot tumalon sa dagat, nakahanap ng salbabida at handang handa na sa paglangoy, "Mahal na yata kita" paguulit ng utak ko. Tumalon ba ng kusa si Arkin? May tumulak ba sa kanya? O hinila ko siya? Paano ba siya napunta sa dagat kung nasan ako? Kung paano man wala na akong pakialam.

Nang marating namin ang kanto ng Barangkal ay doon niya ako kinausap. "Hindi ko ginusto, pero anong magagawa ko? nahulog na ako sa'yo." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa tuhod ko.

Parang gusto kong maubo. Bawat salitang binitawan niya parang may 1 minute interval bago maadopt ng utak ko. Kami na ba? Hindi ko alam. Ang sabi niya "mahal na yata niya ako" dapat bang sagutin ko na ring "mahal na rin yata kita?"

HINDI.

Diba dapat may ligawan munang mangyari? Lareen, hindi porket wala ka sa poder ng mga magulang mo, hindi mo na gagawing tama ang pagrerelasyon. Pigilin mo! Unti unti kong binawi ang kamay ko. Lumungkot ang mukha niya."Hindi mo ako madadaan sa mukha mong ganyan" pinilit kong maging seryoso.

His jaw dropped.

"Ligawan mo ko. Dumaan ka sa tamang proseso" sabi ko at parang pinigil niya ang pagtawa. "Tinatawanan mo lang yung sinasabi ko??!" tinaasan ko siya ng kilay. Unbelievable!"Year 2012 na. Uso pa ba yong ligawan?"

Hindi ako makapaniwala sa lalakeng to. Hindi na lang ako kumibo.

"Sinabi ko sa'yong mahal na kita –

"Correction. 'MAHAL NA YATA KITA' yong sinabi mo" I stressed out the 'YATA'.

"Okay. Okay!" naghands up siya. "Sinabi ko ngang mahal na yata kita. Yung sagot mo na lang yung kulang, Reena. Say it....and this taxi driver will be yours,:" nakangiti siyang bumaling sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko sa lambing ng pagkasabi niya. Say it , and he's mine. Reena........you are such a lucky woman. Poor Lareen.

I cleared my throat. Kailangan mong tatagan ang loob mo. Tumalon na nga siya sa dagat Lareen, pero hayaan mo munang lumangoy siya papunta sa'yo. Yun ang sinisigaw ng utak ko. "Kung hindi ka manliligaw, mapipilitan akong bastedin ka kaya -.

"Roses and chocolates?"

Natigilan ako. "Harana?" tanong pa ulit niya at nagets ko na.

"Fruits, mineral water, paracetamol, ceelin at chocolate cake na may get well soon Pia" sabi ko at tuluyan na akong bumaba sa taxi at nangingiting pumasok sa Barangkal – my new world. Sa huling silip ko kay Arkin na nasa loob ng taxi niya ay nakangiti siya. Sus...kinikilig.

"Mukha kang inspired huh" bati ni Manong Chris ng maabutan ko silang nakatambay sa harap ng tindahan nila, kasama sila Manong Ino. "Ay sows hinatid yan ni Arkin kaya nakangiti" nagulat ako sa pagsulpot ni Aling Ising sa likuran ko. marahil ay nakita niyang bumaba ako sa taxi ni Arkin. Mukha siyang galing sa palengke dahil sa mga daladalahin niya.

Hindi na ako sumagot. "Bakas ang kilig mo Reena" banat pa nila. Wala na akong magagawa. Hay, paano ko ba kasi aalisin ang ngiti ko?? Hindi ko talaga alam. "Sus, si Mang Ino talaga"

"Ay Reena, kamusta naman pala si Pia? Mabuti na ba siya?" tanong ni Aling Mildred sabay abot ng kape kay Manong Chris. "Mabuti na ho ang lagay niya. Bumaba na ho ang lagnat. Salamat ho pala kagabi"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon