Chapter 1

43 2 0
                                    

Raven's Point Of View


" Naka pasa ako !!! " tumalon talon ako sa tuwa . Jusko ! Grabe ang saya ko ngayon ! Magpapaparty ako !

" Bakit ? " dumating bigla si Hannah . Bigla ko siyang niyakap !

" Naka pasa ako bheeeee !!! "

" We ?! " bumitaw ako sa yakap namin at pinakita sakin yung text ni Oreo . Siya yung Guitarist ng RAIN . SLASH ! CRUSH <3

From : Oreo <3

Congratulations Ms Ravenus Archio . Nakapasa ka sa audition for Vocalist ü You are now a part of Fam RAIN ! Music hall mamayang lunch ^-^

" OH MY GOD ! " tumalon talon siya . " ang galing mo bhe ! " niyakap niya ako at tumalon talon kami .

" Hoy Archio ! Para kayong baliw dyan . Anong oras na hindi pa kayo pumupunta sa mga next class niyo . " saway samin ni Lexie .

" Panira ka naman . Nagsasaya kami dito eh . "

" Haha ! Opo madam Lexie , eto na maglalakad na . "

Kinuha ko yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng English class . Habang naglalakad ako ay para akong baliw , kasi nakangiti ako habang naglalakad . Eh hindi ko mapigilan eh !

Pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung libro ko sa T.L.E. . May test pa kami mamaya , baka hindi ko makabisado yung formula .

" Congratulations Archio . " sinara ko yung locker ko para makita ko yung nagmamataray na boses .

" Salamat Winnie ah . " sabay ngiting peke . Nilock ko na yung locker ko at tumalikod na para umalis pero biglang nagsalita si Winnie the pooh .

" Tapos naba ako magsalita ?"

" Malay ko . " pero hindi parin ako humaharap sakanya .

" Wag kang kampante , porket kasama ka na sa RAIN . Kayang kaya parin kitang tapakan . "

Humarap ako sakanya . " sige tapakan mo ako . Pero walang sisihan kapag natapakan din kita . " tumalikod nako at umalis na .

I'm not the type of nerd na mahina . Marunong ako lumaban . Hindi ko alam kung anong problema ni Winnie sakin . Parang may everyday period si ateng eh .

Pagkapasok ko sa T.L.E. Class ay umupo na ako sa likod . At nilabas ko na yung libro para kabisaduhin yung formula .

Ng mag ring ang bell ay nagmadali ako lumabas . Halos hindi nako mapakali nung TLE class namin sa sobrang iniisip ko yung meeting namin mamaya . Kinikilig pa ako !

Lumabas nako at pumunta na sa music hall . Nagsasayaw pa ako sa daan . Para akong baliw . Pero habang nasa daan ako , palaging may nagha-Hi sakin . Ganito na ba ang epekto pag sumali ka sa RAIN ?

Nasa tapat pa lang ako ng music hall ay nakarinig nako ng sigawan . Binuksan ko ng dahan dahan yung pinto .

" Ano babalik na siya dito ?! Kelan pa ? " boses ni Sunny yun ah .

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now