Chapter 21 Part 1

1 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Kasalukuyan akong nagsusuot ng sapatos ko. Sasabay na kasi ako kay Hannah para pumunta sa bahay ni Sunny. Yellow off shoulder dress ang suot ko, at nagsuot din ako ng white flat shoes. Tinali ko ang buhok ko at naglagay ng blush on at lip gloss. Kinuha ko na ang regalo ko para sakaniya pati ang shoulder bag ko, bago umalis ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nakita ko si Hannah na nagte-text. Napaangat naman ang tingin niya nang marinig niya ang mga yapak ko.

"Ma? Hindi ba talaga kayo pupunta ni Sky?"tanong ko pagdating namin sa kusina. Umiling si mama. "No we're not coming with you. But give this to him."sabi niya nang inabot niya sakin ang isang box na nakabalot.

"Rice ball ang laman niyan. Paborito 'yan ni kuya Sun."sabi ni Sky habang naglalaro siya ng PSP niya.

Tumango ako at nakipagbeso kay mama, ganun din ang ginawa ni Hannah."sige 'ta, una na po kami. Una na kami Sky baby!"sabi niya kay Sky bago halikan sa buhok si Sky.

"Papasalubungan na lang kita Sky. Take care baka gabihin kami, 'wag kang lalabas ah."bilin ko kay Sky, hinalikan ko siya noo bago naglakad palabas ng bahay. Hindi alam ni Sunny na pupunta ako kaya nagpahuli kami ni Hannah. Sumakay na kami sa kotse nina Hannah at pumunta na sa bahay nina Sunny.

Taga Quezon pa si Sunny, nakikitira lang siya kina Gold dahil malapit lang ang bahay nila sa school. Pero pinauwi si Sunny ng mga magulang niya sa bahay nila sa Quezon para dun i-celebrate ang birthday niya. 17 na siya ngayon sa pagkakaalam ko.

"Bhe, anong binili mo para kay Sun?"tanong niya habang seryosong nakatingin sa cellphone niya.

"Uhm... Nike shoes, gusto naman niya ng mga ganito eh, I guess."sagot ko. Tumango-tango siya."ehh ikaw? Ano regalo mo?"tanong ko.

"perfume. Para bumango siya."sagot niya sa mahinang tono. Napatango naman ako at binuksan ang cellphone.

Nagte-text saakin si Gold kung nakaalis na kami. Nagreply naman ako ng oo.

Ilang oras ang lumias. "Andito na tayo."sabi ni Hannah bago lumabas ng kotse. Sumunod naman ako at tumingin sa bahay nina Sunny. Ang laki nito, hanggang 3rd floor lang pero malawak. Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng mga katulong nila na nakahilera at nakayuko samin. Bongga naman pala 'tong si Sunny. Pinagbuksan kami ng pinto ng dalawang katulog at napatingala naman ako sa malaking chandelier na nasa kisame. Ang bongga talaga. Rits kid si Araw!

"Are you sure na hindi talaga makakapunta si Raven?" Napatigil kami ni Hannah nang marinig ang boses ni Sunny na umaalingangaw sa bandang kusina ng mansyon. Naglakad naman kami patungo roon. At hindi kami nagkamali, andyan nga silang tatlo, may mga pagkain nang nakalatag sa lamesa na mahaba, nakaupo naman na parang hari si Sunny sa dulo.

"Uhh.. Oo eh, si Hannah papunta na siya dito."sabi ni Gold sakaniya. Napairap ang mata ni Sunny.

"I don't care about her anyway.."

"Ok.."sabat ni Hannah na halatang nagmamataray. Agad naman akong nagtago sa dingding. Nasa lagusan pa lang kami ng kusina. Lumapit siya kay Sunny. " regalo ko para sa 'yo "sabay bato kay Sunny ng maliit na kahon. "Happy birthday."mataray na bati ni Hannah bago tumalikod at naglakad palayo. "Mauna na ako, Raven."sabi niya nang lumingon siya sakin, hindi galit ang nakikita ko sa mga mata ni Hannah, kundi lungkot at pagkadismaya.

"Hannah! Wait."habol sakaniya ni Sunny at tinakbo niya ito. Agad naman akong lumapit sa dalawa. At umupo. "Anong problema ni Hannah, ang init ng dugo."tanong saakin ni Gold. I shrugged at bumugtong ng hininga. Parang may something sa dalawang yun. Sila na kaya?

The hours has passed away. Dumating na ang ibang bisita ni Sunny, including his family and childhood friends. At andito na ang hinihintay ko. Si ate Cory. Agad siyang lumapit samin.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now