Raven's Point Of View
Napatayo kami nina Gold at Sunny nang dumating si ate Cory, Odette and ang mama nila.
"Raven anong nangyari kay Oliver?" Nag aalalang tanong ni ate Cory.
Biglang lumapit ang mama nila kay Oreo ay yinakap ito. Napangiti naman ako ng malungkot.
"Masyado lang po siyang stress, siguro sa test dahil nagtest po ang section nila kanina. May high fever po siya." Pagpapaliwanag ko.
Tumango siya at ngumiti saakin, ginantihan ko rin siya ng ngiti. Napalingon kami sa mama nila, alam kong normal sa magulang ang mag alala pero sobra naman ang pag iyak nito.
Napatingin kami sa pumasok, iyon ang doktor ni Oliver. Sinabi ni Sunny na dito ihatid si Oliver dahil nalaman konh sakanila pala ito, at ang papa niya ang may ari at nangangasiwa.
"Mam, kailangan po nating mag usap. Privately." Pahina na pahina ang boses ng doktor.
Tumango ang mama nila at sumunod sa doktor. Napalingon naman ako kay Oreo. Sobrang over acting naman siguro kung lalagyan pa siya ng oxygen. Ang sabi ng doktor ay maya-maya magigising na si Oreo. May cool fever siya na nakadikit sa noo at kakapalit ko pa lang nito. Para siyang bata na may malalang sakit sa itsura niya. Hindi naman siya payat namumutla lang.
"Uhh.. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko. Kayo na ang bahala sa kapatid ko ah." Sabi ni ate Cory. Tumango kami bago siya umalis.
Bumukas ang pinto, sinabi ng mama ni Oreo na pupunta lang sila ni Odette sa opisina ng papa nila. Kami na lang daw ang mag bantay.
Ilang oras kaming nag bantay sakaniya. Si Sunny at Gold ay nakatulog. Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas-sais na ng gabi. Kaya nag text ako kay mama na baka uuwi ako ng gabi dahil sa sitwasyon ni Oreo.
Nakaupo ako malapit sakaniya. Kaya madali ko siyang napapagmasdan. Inabot ko ang kamay niya. Feeling ko naman hindi mapapansin ng Kambal na pinagda-drama-han ko si Oreo.
Isa na ba akong OA para mag alala sakaniya? Alam kong hindi dapat isa walang bahala ang fever, pero bakit ako nag aalala?
Pinisil ko ng marahan ang kamay niya. Tumingin ako sakaniya. Parang ganitong-ganito si kuya nung araw na nasugod pa siya sa ospital, pero the other days, namatay din siya. Hindi ko alam kung bakit ako nanlalamig, inilagay namin sa fan mode ang aircon kaya hindi naman ako masyadong nilalamig.
Gusto na sana kita. Pero ang kumplikado ng nangyayari satin. Gusto kong matuwa nang malaman ko na crush din pala ako ng crush ko. Iba ang pakiramdam, masarap pero may kalakip na pait.
Halos tumaas ang balahibo ko nang pinisil ng marahan ni Oreo ang kamay ko. Napatayo ako, dumilat siya.
"Tanggalin... Mo 'to." Halos walang boses niyang utos.
Tinawag ko ang nars, hindi naman nagising ang kambal dahil tahimik lang ang pagtatanggal ng oxygen.
"Ang OA ni mama, hindi pa naman ako mamatay." Bulong niya.
Napasimangot ako. "Pasalamat ka pa nga eh, halos umiyak na ang mama mo, nag aalala siya, SOBRA." Pagdidiin ko pa sa sobra.
YOU ARE READING
By This Song ( On-Going )
Novela JuvenilThis song , is for you . Like I'm gonna choose you .