Chapter 22

0 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Pagkatapos ng birthday party ni Sunny kahapon. Ay agad kaming nagpractice ngayon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko masyadong mabigkas ang mga liriko. Nabubuhol minsan ang dila ko.

Patuloy parin sa pagpapaliwanag si Gold. Inaayos niya kung saan kami papasok. At sa pag birit ko. Kung saan papasok si Oreo at kung saan-saan pa. Aaminin nilang ngayon pa lang sila gagawa ng isang KPOP song, kahit si Gold ay nahihirapan.

Nag thumbs up kami at naghanda na kami. Hawak-hawak ko parin ang liriko.

Gumamit si Gold ng electric keyboard sa kantang 'to. At hindi gamit ni Oreo ang gitara niya dahil sabay kaming kakanta dahil kailangan naka focus ang atensyon niya sa kanta. Sa mga kalagitnaan ng practice namin at palagi akong pumipiyok, umu-ubo, at kinakapos. Minsan naman ay nagtwi-twist ang dila ko, ganun din si Oreo. Kahit naka aircon na ang music room ay pinagpapawisan kami.

Umupo muna kami nang dalhan kami ni mama ng pagkain at tubig. Napabugtong hininga naman ako at tinignan ang lyrics. Ayokong pagurin ang boses ko kasi tsak na hindi ako makakakanta.

Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagpadala ng message sakin.

Unknown Number

Unknown: Hello, I miss you

Kumunot ang noo ko. Nagdadalawang isip ako kung re-reply-an ko siya. Napasimangot naman ako ng maisip kunh sino 'to.

Unknown Number

Unknown: Hello, I miss you

Raven: pamiss you, miss you ka pa dyan Nhero, bat ka nag iba ng number?
Sent 3:47 PM

Hindi parin siya nagre-reply. Napakunot naman ang noo ko at nagchat kay Nhero.

3:49 PM

Raven: Nhero?

Raven: nag iba ka ng number?

Raven: confiscated?

Raven: ahay kawawa😂
Sent 3:51 PM

Hindi pa siya online kaya baka nasa practice. Binulsa ko ang cellphone ko nng inaya na kami ni Gold na magpractice ulit.

Mga 6 PM na bago naisipan nilang umuwi. Pinayo saakin o saamin ni Oreo na 'wag masyadong pagurin ang boses namin dahil problema ito kapag napaos kami.

Nasa tapat ako ng bahay at nakasandak sa gate. Sila naman ay pumapasok pa lang sa SUV. Kumaway muna si Sunny bago isara ang pintuan. Kumaway din ako. Nang maka alis na sila at pumasok na ako ng bahay.

Agad akong umkyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Kinuha ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Nakita ko na nag reply si Nhero.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now