Chapter 18

0 1 0
                                    

Raven's Point Of View

Nilalagay ko na lahat ng kailangan ko sa bag ko. Dahil inaya ko silang lahat na magswimming, andun na sina mama at Sky sa cottage kung saan andun na ang buong FROST at ang mga kabanda ko. Naiwan na lang kami ni Hannah dito, ang tagal kasi magbihis.

Tumayo ako at kumatol sa pintuan ng CR. "Hannah! Ang tagal mo dyan. Dalian mo-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. At nalaglag ata ang panga ko sa sahig nang makita ko sa suot niya..

"Do I look sexy enough with this swimsuit, Raven?"tanong niya na may kindat pa. Nasisiraan na siya ng bait, swear.

Naka two piece lang talaga siya, hindi ko naman maipagkakait ang hinaharap niya. Nanliliit talaga ako ngayon.

"Ikaw? Magswimsuit ka. Ito may dinala akong extra para sa 'yo."sabi niya at may hinalungkat siya sa bag niya.

Wala namang masama sa suot ko. Naka T-shirt at maikling short.

"Tada! Oh ito, bagay 'to sa 'yo."sabi niya nang inabot niya sakin ito.

Puting two piece at may longsleeve na puti rin, pero.. kita parin 'yung bra ko kapag sinuot ko 'to.

"Suotin mo na! Naghihintay na sila dun."sabi niya at tinulak na niya ako papasok ng banyo kasama ang damit na 'to.

Nanginginig pa akong suotin 'to. Parang iluluwa ko na talaga ang kaluluwa ko pag sinuot ko'to.

Paglabas ko sa banyo, ay agad akong humarap sa salamin. Hindi naman masama... pero... kyaaaaah! Isusuko ko na ata ang bataan T-T

"You look fine, Raven. Kaya halika na, wear this robe."sabi niya sabay bato sakin ng asul na roba.

Sinuot ko ito pati ang tsienelas ko bitbit ang bag ko palabaa ng kwarto namin.

***

Nang malapit na kami sa cottage. Nasalubong na namin agad si Sunny na nakikipaghabulan kay Gold. Pero napatigil sila nang makita nila kami, "ano nanaman ang pinasuot mo sakaniya ah?"tanong ni Sunny kay Hannah.

Tumaas naman agad ang kilay ni Hannah at tinitigan ng masama si Sunny. "Eh ano bang pakielam mo ah?"sarkastikang sabi ni Hannah.

Nagtataasan na sila ng kilay kaya hinila ko na si Hannah papalayo kay Sunny. Pag akyat namin sa cottage, ay pansin ko ang mga mata ni mama sakin, naghahalo ang pagtataka niya at ngiti. Nakasuot siya ng Blue two piece at pero nakasuot parin siya ng asul na roba, nakabukas lang talaga. Nakasuot pa siya ng shades, pero napapansin ko ang kilay niya.

"Anak, are you wearing swimsuit right now?"tanong ni mama.

"Ehh kasi si Hannah-"

"Don't wear swimsuit, sis, you look pale kaya."sabi niya habang nainom ng canned soda.

"Ikaw nga ang lakad mong maka top less wala namang abs."nakangisi kong sabi.

"Lahat naman kaming mga lalaki nakatop less. Kung nakita mo 'yung dalawang kambal. Nakatopless sila diba?"

Oo nga noh. Lantad nga ang pagkatisoy nila. At ngayon, dinidiskartihan nila yung mga babae dun. Haay kambal nga.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now