Chapter 19

6 0 0
                                    

Raven's Point Of View


Kasalukuyang nagde-discuss ang teacher namin. Nakauwi na kami kaninang madaling araw. Hindi naman ako inantok ngayon, dahil nakatulog ako sa byahe pauwi, natulog pa ako ulit nang makarating kami. Mas lalong bumawas ang paguusap namin ni Oreo. Nung nasa SUV kami, kahit magkatabi pa kami that time. Halos tunog lang ng sasakyan ang naririnig, tulog silang lahat kaya wala talagang ingay.

Totoo pa lang. Ang sakit i-let go ang feelings para sa ikakabuti. Pero, I know that, may halaga din ang paglet go. May purpose ang lahat ng 'to. May purpose kung bakit ko ini-let go ang dapat sanang akin.

Nang tumunog ang bell ay nagsitayuan na kaming lahat para makapag recess. Kinuha ko na ang mga gamit at dumiretso sa locker ko.

Alam ko na wala sina Sunny at Gold dahil hindi sila pumasok sa puyat. Ang FROST, hindi ko alam pero hindi pumasok si Ohpy, at Alvin. Tsaka si Hannah hindi rin pumasok. Si Nhero at Oreo hindi ko alam.

Pagbukas ko sa locker ko ay inilagay ko na lahat sa loob ang mga gamit ko. At walang buhay na sinara ang locker. Napabugtong hininga ako at tinungo ang dadaanan. Pero napatigil ako nang makita ko si Oreo, hindi niya kasama si Winnie, naka lagay lang earphones niya sa tenga. Hindi siya ng angat ng tingin, pero dumilat siya at patuloy sa paglakad, hindi ako makagalaw. I was frozen.

Nang masiguro kong nakalagpas na siya sakin ay naglakad na ako. Nangingilid na ang mga luha ko. Nakakaramdam ako ng pagkabigat ng dibdib. Pero ngumiti ako at bumulong. "Napaka iyakin ko talaga" bago punasan ang luha na hindi napigilang tumulo.

"Raven!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Nhero, may nakasabit na headset sa leeg niya. Papalapit siya sakin na may ngiti. Ang daming nakatingin samin at nagbubulungan.

" 'Musta tulog mo?"tanong niya nng nasa harap ko na siya. Hindi ako makasagot, kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Pero naramdaman ko ang mainit niyang paghawak sa braso ko, at hinila ako papuntang canteen.

"Gutom lang 'yan Raven. 'Wag mong iyakan."pabirong sabi niya. Hindi parin ako makapagsalita. And again. He saved me from my tears.

***

Inilapag niya ang dalawang frappe at dalawang mocha cake. Ang alam ko, ako lang um-order ng mocha cake. "Hindj ako kakain ng marami—"

"At sinong nagsabi na sa 'yo ang isag mocha cake. That's mine."masungit niyang sabi. Napangisi naman ako. "Nagsungit ka ah. Hindi ko naman kakainin."

Kinuha ko na ang frappe at isang mocha cake."kung ano ang sakin, akin lang. Kagaya mo, akin ka lang. Kaya dapat ipagdamot kita."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Patuloy lang siya sa pagkain ng mocha cake. "Ang corny mo." Bulong ko.

"Sus. Kinilig ka lang eh. Deny pa more."sabi niya bago sinubo ang tinidor.

Napangiti na lang ako ng tipid. Kinuha ko ag tinidor ko at akmang hahatiin ang cake. Nang makita ko ang toppings nito. Oreo cookies, pati flavor ng frappe ko. Ngayon, ayoko nang magsabi ng 'ikaw bahala' pagtinatanong ako kung anong gusto ko.

"Sinadya ko 'yan. Wala silang toppings na oreo cookies, kaya bumili pa ako at inilagay 'yan dyan. Is there anything problem between you and that boastful man?"tanong niya habang kumakain ng cake.

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now