Chapter 10 Part 2

9 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Seriously ? Magpe-perform kami , para lang makapili ang Woolim at Big Hit ng isa samin . Preparation ba 'to sa future ?

Mga desidido 'tong mga 'to . Ako naman din eh , ang Woolim at Big Hit Entertainment , 'yan ang dalawang sikat na Entertainment na pinag a-audition-nan ng mga talented na tao . Singer , dancer , rapper ang pwede nilang kunin , pwedeng 2 in 1 , rapper and dancer , at pwede silang kumuha ng isang banda .

Dumating na ang mga manager ng Woolim at Big Hit . Nakipagkamayan kami at nakipag chikahan ng kaunti ...

" Salamat dahil pumunta kayo dito sa aming paanyaya . " sabi ni Manager Kim , ang manager ng Woolim Entertainment .

" Kung ano man ang mangyari , walang panalo at talo , mamimili kami ng isang banda , at ihahanda kayo sa future niyo , ayos diba ? " sabi ni Manager Lim , ang manager ng Big Hit Entertainment .

Nginitian lang namin siya , nakakakaba dahil nakasalalay ang future namin dito , kasi malay ko bang gusto ni Oreo na sa Woolim kami mapunta imbis na sa Big Hit diba ? Paano kung wala silang mapili , sana ganun na ang mangyari .

Sina Nhero daw ang maunang magpe-perform . Naghanda na sila bago umakyat sa stage .

Nakaupo kami , katabi namin ang mga manager ng Woolim at Big Hit Entertainment .

" Ano nanaman 'tong pakulo niyo sa tanghali ? " pabulong 'kong tanong kay Oreo na katabi ko .

" Ask that fucking guy on stage , nag ayang magperform sa harap ng dalawang sikat na entertainment . Nagpapasikat 'yan . " pabulong niyang sagot .

Nagkibit-balikat na lang ako . Hindi ko alam kung anong takbo ng mga utak ng lalaking 'yon . Medyo kinakabahan ako , sa harap ng manager ng dalawang sikat na entertainment kami magpe-perform , well nakapag perform na ako sa harap ng maraming tao , pero iba ang pakiramdam ko sa dalawang 'to , may kakaibang kaba ang nararamdaman ko .

Pumwesto na sila isa-isa . Pag ayos ni Nhero ng mic niya ay tumingin siya sakin at ngumiti .

" Ok , FROST . Just imagine that this is a kind of audition , even though it is . " sabi ni Manager Lim .

Teka ... Audition ba 'to ? Sabi na nga ba . Alam 'kong hindi sila agad-agad naniniwala sa sabi-sabi pang , gusto nila may patunay .

" Ok , ok . " sagot ni Nhero , halatang may pagkapilyo ang kaniyang mga ngiti .

" So FROST , anong tutugtugin at kakantahin niyo ? " tanong ni Manager Kim .

" OPM ang kailangan sa Linggo , so ...We're going to sing an OPM, of course . " sagot ni Nhero .

" So , anong kanta ang kakantahin niyo ? " tanong ulit ni Manager Kim .

" Kundiman by silent sanctuary . " sagot nito .

" Ok , then sing it  " sabay na sagot ng mga manager .

Nhero nodded and clear his throat before the intro comes ...

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang Unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang Kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot

Refrain:
Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Chorus:
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now