Chapter 17

6 1 0
                                    

Raven's Point Of View

Kasalukuyan akong inaayusan ng make-up artist para mamaya. Maglalaban na kaming top 4. At sa tapat pa ng Baybay Beach, kaninang umaga ay ang dami nang tao sa labas, kaya sobrang tuwa ko dahil ang iba'y galing Manila pa, at nakikita ko pa ang ibang classmate ko, andito din si Hannah, Mommy Rea at Sky. Kaninang umaga pa kami walang kibuan ni Oreo, busy siya lagi sa cellphone niya, at ang hula ko dun ay si Winnie, hindi ko maiwasang hindi magtanong kung.. may gusto na rin ba si Oreo sakaniya? After that kiss? Hindi naman ganun kababaw mainlove si Oreo. It's just a kiss... but... it's not a force, they do it.. and it hurts a lot kapag naiisip ko kung bakit... kung may gusto naba si Oreo kay Winnie. Wala akong magagawa, nahulog si Oreo at hindi ko siya sinalo, ang sumalo sakaniya si Winnie... gets?

Napahinga ako ng malalim. The hell Raven? Anyare sa 'yo?

Pagkatapos akong lagyan ng light make-up ng babae ay pinabihis na niya ako. Tinulungan ako ng ilang babae na suotin ang Pilipiniana, temang Pilipino ang gagawin ng bawat banda. Pinusod na nila ang buhok ko at nilagyan ng mga bulaklak paikot sa pusod na buhok.

Paglabas ko sa fitting room, ay nakita ko si Oreo na nakaupo sa couch at usually nakatutok nanaman sa cellphone niya. Suot-suot niya ang asul na barong. Asul ang tema ng banda namin. Mukhang hindi niya ako napansin, patuloy parin siya sa pagtext. Nag paalam na ang mga babae na lalabas na.

Tumayo muna ako sa harap ng body mirror. Simple. Iyan lang ang masasabi ko. Nakasuot ako ng bakya kaya hindi ako nahihirapang maglakad.

"You look beautiful."

Napalingon naman ako agad kay Oreo. Pero nagte-text parin siya. Napasimangot naman ako, " tss, hindi ka nga nakatingin sakin tapos sasabihan mo ako ng ganyan, pero ok lang."

Pinatay niya ang cellphone niya ay binulsa ito, "mukha kang nalugi sa mukha mong 'yan. Bakit?"

"Ha-ha!? Assumero ka rin ano,"nakataas kilay kong sabi."itext mo lang 'yang Winnie mo, dyan ka naman magaling eh."nagulat ako sa binulong ko. Hala! Sana hindi niya nari-

"Alagaan niyo yung baby Ramy niyo ni Nhero, napaka isip bata eh."nakangising sabi ni ni Oreo bago lunin ulit ang cellphone sa bulsa at nagpatuloy sa pagtext.

"Sus 'wag kang mainggit, may tatawagin ka ring baby 'nyo' ni Winnie."nagugulat na ako sa nilalabas ng bibig ko pero patuloy parin ito sa paglabas.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Oo nakakagulat nga. Penge duck tape, nang maisara ko na 'tong bibig ko, please!

"Kamusta naman si Nhero?"tanong niya.

"Kamusta naman si Winnie?"balik kong tanong sakaniya.

Napangisi kaming pareho at agad naman akong napaiwas ng tingin. Mamaya umiyak na ako eh. Waaa. Ang sakit nanaman ng dibdib ko. Kaya hindi ko na napigilang magwalk out.

"Raven.."

Hindi ko na iyon pinansin at lumabas na ako ng dressing room. Ay agad akong pumunta sa dressing room ng FROST. Dahil hindi na kami masyadong nag uusap ni Oreo dahil sa KA-TEXTMATE niya, lagi na kaming magkasama ng frost.

Bastos man ako sa aasalin ko, pero agad kong binuksan ang pintuan. At nanlaki ang mga mata ko... si-si Nhero... si Ohpy... si Alvin... at si Kiseop... NAKA TOPLESS!!!!

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now