Chapter 14

14 1 0
                                    

Oliver's Point Of View

Papunta na kami nina Sunny at Gold sa bahay nina Raven . Tinext na siya ni Sunny napupunta kami sakanila para sunduin siya , pero ni-oo wala kaming natanggap . Tinawagan na siya ni Gold pero hindi niya ito sinasagot .

Aaminin kong nasaktan ako . Nasaktan ako sa pagreject niya , pero kaibigan ko parin siya , at sa ngayon... ay nag aalala ako .

Pagparada ko pa lang ng SUV . Ay agad akong bumaba , nakasunod lang sakin sina Sunny at Gold .

Nagdoorbell na kami sa gate nila at agad kaming pinagbuksan ng guard . Bumati ito at tanging ngiti lang ang iginati ko . Kumatok ako sa pintuan . At sumalubong dito si Sky .

" Susunduin niyo si ate ? " tanong nito .

" Ahm.. o- "

" Makikikain na rin kami , Sky ! " masiglang singit ni Sunny , pinanlisikan ko siya ng mata .

" Pasok . " iyon lamang ang sagot ni Sky bago pumasok sa loob .

Agad naman kaming sumunod sakaniya . Dumiretso kami sa dinning room , at kakalapag pa lang ni tita Rea ng isang platong pancake .

" Oh , the handsome boys are here ! Good morning ! Come let's eat . " pag-aaya nito .

" Ahh no- "

" Thank you tita Rea ! " sabay na pasasalamat ng dalawang ugok .

Napabugtong hininga na lang ako . At umupo na lang at nakisalo sa pagkain . Pero , agad kong napansin ang upuan na bakante , duon lagi nakaupo si Raven kapag kumakain .

" Ahm , tita Rea.. asan po si Raven ? " tanong ko .

Napatingin sakin si tita Rea , inilapag niya ang kutsarang may kanin at ngumiti , " hindi pa siya nababa , gusto mo puntahan natin siya ? "

Napakunot naman ang noo ko . Parang ang lungkot ng boses ni tita Rea . Pero hindi lang iyon ang napansin ko... hindi naman ganito si Raven , kagaya noon .

Nagexcuse muna kami kay Sky at sa dalawang busy-ing busy kumain ng kumain .

Bawat yapak ng paa ko sa hagdanan nila , nadaragdagan ang kaba ko . Napapalunok ako ng ilang beses sa hindi malaman na dahilan . Niluluwagan ko ang necktie ko , dahil sa init na nararamdaman .

Nang nasa harap na kami ng kwarto ni Raven , ay kumatok na si tita Rea . Ni sinag ng araw wala akong napansin sa kwarto niya . Mga 7:38 AM na , mga ganitong oras , naliligo na siya , o kumakain .


Walang sumagot galing sa kwarto ni Raven , kaya napilitang buksan ni tita Rea ang pinto . Ang dilim sa loob , pero may kaunting ilaw na nanggagaling sa balcony na nakasara at naka kurtina pa .

Pumasok si tita Rea , kaya sumunod na ako sakaniya . Parang walang buhay ang kwarto niya . Walang kalat , mukhang wala namang nangyaring masama . Nakaluwag na ang paghinga ko nang maisip ko iyon .

Nakabalot sa kumot si Raven , mukha namang normal dahil nakikita ko ang paghinga niya sa kumot . Lumapit kami duon , at tinanggal ni tita Rea ang kumot na humaharang sa mukha niya .

Nanlaki ang mga mata ko . Hindi siya tulog , nakadilat siya , pero namumugto ang kaniyang mga mata at pulang-pula ang kaniyang mukha . Hawak-hawak niya lang ang cellphone niya , humihikbi pa siya , at basang-basa ang mukha niya dahil sa luha .

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now