Chapter 25

3 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Naglalakad kami patungo sa elevator nina Gold at Sunny papunta sa kwarto ni Oreo. May dala kaming isang basket ng prutas, at bumili ang dalawa ng ibang pwedeng makain sa convenient store.

Nang nasa hallway na kami papunta sa kwarto ni Oreo ay nasalubong namin si ate Cory. Abala siyang nagte-text pero tumigil muna siya at tumingin samin.

"Oh andito na pala kayo. Ahh... Andun naman si mama, siguro hayaan niyo muna sila, ahh... Need kasi sila ng privacy kasi nag uusap sila eh. Sige I have to go!" Natatarantang sabi ni ate Cory bago lagpasan kami.

Napakibit balikat na lang si Sunny at naunang naglakad patungo sa kwarto ni Oreo. Inikot niya ang door knob bago buksan.

Napakunot ang noo ni Sunny nang makita silang dalawa ni Winnie na nag uusap. Napataas naman ang kilay ni Gold bago tumalikod at sumandak sa pader.

Napalunok naman ako.

"Yah, they need privacy. Sorry bro, sorry Winnie. Akin na 'yan Raven." Utos ni Sunny nang lumingon siya sakin. Agad ko namang ibinigay sakaniya.

Inilapag ito ni Sunny sa side table bago naglakad palabas ng kwarto at isinara ang pinto.

"Paano yung pinamili natin?" Tanong ni Gold.

"Privacy nila 'yan. Tayo, ito ang privacy natin." Sabi ni Sunny bago umupo sa bench sa tabi ng kwarto. Umupo kami ni Gold at kumuha ng sari-sariling pagkain.

Kumuha ako ng cupped ice cream. Umupo ako ng nakapatong din ang paa. Tahimik lang ako kumain ang dalawa ay nagtatalo sa pagkain.

I felt jealous kapag magkasama talaga sila. Then I asked myself, bakit sila magkasama? Anong pakielam mo? Sino ka ba? Edi wala rin.

Sumubo ako ng ice cream. Parang gusto kong malandi para hindi na sla mag usap dalawa. Is this too much for a childishly thinking? Desperada? Ganun ba?

"Raven kanina ka pa tahimik. Selos ka noh, kasi magkasama silang dalawa?" Pabirong tanong saakin ni Sunny habang sinisiko ako. Napapairap na lang ako.

Ilang oras ang lumipas ay bumukas na ang pinto at lumabas na si Winnie. Sumulyap siya saamin isa-isa bago kami lagpasan. Pumasok naman kami sa loob.

Nadatnan naming nakaupo si Oreo. Lumingon siya bago ngumiti.

"Aba, ang saya pa lang kasama ni Winnie." Hirit ni Gold.

"Ye—yeah, actually I think she's nice." Malumanay na pagsang ayon ni Oreo.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Don't make me jealous. And dear me, 'wag mong I big deal 'to.

Umupo na lang ako sa sofa at kinalikot ang cellphone ko. Hindi naman online si Nhero, siguro maaga practice nila ngayon kasi bukas—

"Guys! Bukas na pala yung KPOP Battle." Halos napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Bukas na ba?" Tanong ni Gold.

"Like hello? Sabado ngayon." Irap-irap ko.

"Pero paano si—"

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now