Chapter 29

3 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Halos ipagsiksikan na ni Gold ang mukha niya sa bintana ng eroplano sa sobrang pagkaexcite.

"Raven? Nanaginip ba ako? Raven!" Panay ang yugyog niya sakin.

"Kanina ka pa, Gold, ihahampas ko na sa'yo 'tong potato chips." Banta ko.

Dahil sa kayamanan ni Lord Sunny, nah Private Plane na lang kami. Kaya malaya si Gold na magsisigaw sa tuwa, ewan ko lang pagnairita sakaniya si Oreo.

"Bakla ka ba Gold? Kanina ka pa d'yan, tili ng tili na parang babae." Sita ni Oreo.

Halata naman nagulat si Gold. "A-ako? Bakla? Hahaha! Gusto mo bang halikan ko sa harap mo si Raven—"

Isinubo ko sakaniya agad ang cheese cake. "Tumahimik ka Gold honey ah. Anong gagawin mo sakin?" Pagbabanta ko sa tingin.

Nagsasalita siya pero hindi ko maintindihan dahil sa cheese cake na punong-puno sa bibig niya. 'Yan yung cheese cake ko lahat eh.

Narinig ko namang tumawa si Oreo. Yung totoo? Anime ba 'to? Yung tipong natawa si Tomohe tapos may mga spark sa likod niya. Tapos ako si Nana— nevermind.

Napapasulyap ako kay Sunny, nakapalumbaba lang siya sa bintana. Nung umalis kami tungo at pilit na ngiti lang ang sinasagot niya samin.

Nang pagbaba namin ng eroplano, hindi ko inaasahan ang maraming tao na sasalubong samin. Flash ng camera, may mga security guard na ang umaalalay samin papuntang SUV.

Napabuntong hininga ako ng makapasok ako sa loob. Parang mauubusan ako ng hininga sa init at dami ng tao.

"Pinagkakaguluhan na tayo ng media dun. Panay hatak sa jacket ko." Singhal ni Gold.

Huminga ako ng malalim. Umandar na ang SUV patungo sa hotel na pagtutuluyan namin.

Binagsak agad ni Gold ang katawan niya sa malaking higaan. Halatang dinadama ang pagpunta niya dito.

Kinakausap si Oreo ng isang lalaki, mukhang involve siya sa contest.

Tumango si Oreo bago isara ang pinto. Lumingon siya sakin at ngumiti.

"The contest organizer talked to me na, mamayang 8 PM ang start, we need to be relaxed before the contest." Paliwanag nito.

Tumango kami sakaniya at inayos ang mga gamit, South Korea is a dream country of many people because of the KPOP and Kdrama actress and actor.

Kung sa Japan, magiging baliktad ang asal namin ni Gold, ako naman ang magliligalig at siya ay mananahimik.

"Do you think, Nhero and his bandmates are already here?" Tanong ni Oreo habang nag aayos ng gamit niya.

"Yes they are. Kahapon pa." Sagot ko.

He hummed bago tumayo naglakad patungong kusina.

My phone suddenly vibrates...

***

Nhero is calling...

Accept     Decline

***

Nhero: finally arrived?

Raven: uhh, yeah. Asan kayo?

Nhero:we're here at the room 3112, anong room niyo?

Raven: teka... *footsteps* *door opens* 1773... Room 1773 *door closes*

Nhero:puntahan kita?

Raven: 'w-wag na!

Nhero: and why?

Raven: uhh... It's just... Argh, nothing, may problema

Nhero: anong problema? May nangyari ba kay Oreo?

Raven: *whispering* w-wala! He's completely f-fine!

Nhero: then what was the problem?

Raven: uhh... Kasi... Krrrrk krrrk! Anya— krrrk krrrrk! Nhe krrrrk krrrrrk krrrrk!

Call ended

By This Song ( On-Going )Where stories live. Discover now